KABANATA 13

21 5 0
                                    


                                 Dirby POV

Para kaming mga tanga na nakatitig lang sa mga bituin..

"Humiling ka" taka akong napatingin sakanya ng sabihin niya yun..

"Para saan?" Takang tanong ko..

Tsaka wala naman akong dapat hilingin pa eh..

Choss

"Anong para saan ka dyan humiling kanalang kasi" sa lahat ng taong weirdo ay siya ang gusto kong kasama..

"Bakit?" Dahil sa tanong ko ay pareho kaming nagbigayan ng nagtatakang mga tingin..

"I mean bakit ako hihiling eh wala namang dumaan na shooting star" saad ko saka ko iniwas ang tingin ko sakanya..

"Matutupad ba ang kahilingan mo kapag sa pagkakataon na yun ka humiling?" Tanong niya saka ibinalik ang tingin sa langit..

"Hindi" sagot ko..

Totoo naman yun nung minsan na nakakita kami ng shooting star sinabihan ako nila Rocco na humiling ako at hiniling kong makasama ko sila Mama sa pasko,bagong taon at sa birthday ko pero hindi naman nangyari..

"Yun naman pala eh.." saad niya pero hindi ko parin siya naiintindihan..

"Hindi naman pala matutupad ang hiling mo kahit humiling ka sa pagkakataon na yun eh anong pinagkaiba kung humiling ka ngayon..Pareho namang hindi matutupad" natatawang ani niya..

"Alam mo palang hindi matutupad eh bakit gusto mo pang humiling ako?" Inis na tanong ko sakanya..

"Hindi naman masama kung paminsan-minsan ay hihiling ka eh" anggulo ng lahi neto..

"Tch nung huling humiling ako hindi natupad kaya ayaw ko na" saad ko..

"Andami mo pang satsat humiling kanalang" biro nito saakin..

"Ayaw ko nga bahala ka sa buhay mo" saad ko saka kami natawang pareho..

"Hayy inaantok na ako bukas nalang ulit" nakangiting saad ko dito..

"Sige..Magkita nalang tayo bukas ng hapon" nakangiti niyang saad saakin..

"Mmm..Salamat sa oras mo masaya akong ikaw ang nakasama ko sa unang pagkakataon ko na panoorin ang mga bituin" nakangiting saad ko sakanya..

"Paalam.." ani niya saka ako kinawayan kaya naman ngiti ngiti kong tinahak ang daan pauwi..

                 ♧ K I N A B U K A S A N ♧

"Dirby apo bumangon kana diyang batugan ka" as usual ang maingay na boses ni lola ang gumising saakin..

Tsaka ano daw batugan?wow ah ngayon lang nga ako nahuling nagising magmula nung pagdating ko dito eh grabe naman to si lola judgemental..

Pagkalabas ko ng kwarto ko ay agad akong nagtungo sa kusina upang maghimalamos ng mukha ko..

"Oh pagkatapos mo diyan ay pumunta ka sakanila Maddox.." gulat akong napatingin kay lola..

Seryoso ba siya?Hindi pa nga ako kumakain ng agahan eh mangangapit bahay agad ako..

"Eh lola hindi pa nga po ako nag aagahan eh" reklamo ko habang nagpupunas ng mukha ko..

"Doon kana daw mag agahan" gusto kong tumanggi pero mukhang wala akong choice dahil walang nakahain na agahan sa mesa..

Hindi ko na kailangang magbihis pa dahil gwapo naman ako kahit anong suot ko..

THE GIRL IN THE RAINWhere stories live. Discover now