Dirby POV"ANTAHIMIK mo naman ata?" Tanong saakin ni Victoria dahilan para mahinto ako sa pag iisip ng mga sinabi saakin ni Erikang baliw saakin kanina..
Bat ba kasi ang hilig hilig magbigay ng isipin ng mga tao dito..
"Uyy ayos kalang ba?" Sa ikalawang pagkakataon ay tinawag ulit ako ni Victoria..
"Ahh oo" nag aalinglangan kong sagot..
Letseng Erika kasi yun walang mintis sa pagbibigay ng isipin eh..
"Mukhang hindi ata maganda ang pakiramdam mo" saad niya at saka umastang pinag aaralan ang mukha ko..
Naiilang akong tumingin sakanya saka pilit na ngumiti..
"Ahh hehehe may iniisip lang" pagdadahilan ko..
"Ano naman ang iniisip mo?" Wow may pagkatsismosa din pala si Victoria ngayon lang ako nainform.
"Ahh wala yun hehehe" sagot ko saka inialis ang paningin ko sakanya.
"Ehh kamusta naman ang laro nyo kanina?" Tanong niya saakin.Taka ko siyang tinignan.
Nanood ba siya kanina?Aishh kung nanood siya eh bakit niya pa kailangang tanungin kung kamusta yung laro namin kanina?Pero paaano niya nalaman na may laro ako?
"Wag mo akong tignan ng ganyan narinig ko lang ang tungkol sa laro mo sa mga bulungan ng mga tao kanina" pagpapaliwanag niya..
Tch may lahi talagang tsismosa ang isang toh.Hanep
"Ahh ganun ba?" Patanong na saad ko..
Alam nyo yun?Bahala kayo mag imagine..
"Hindi mo sinasagot ang tanong ko" malumanay na saad niya..
Ano?
"Ha?" Naguguluhang tanong ko sakanya animong tinatanong kung anong tanong niya ang gusto niyang sagutin ko.
"Kamusta ang laro nyo kako" nakangiting pag uulit niya ng tanong..
Ahh yun lang pala akala ko kung ano na wews..
"Ahh yun ba?hehehe ayus naman panalo nga eh" pagmamalaki ko..
Dahilan para mas lalo pang lumawak ang ngiti niya.
"Ang galing mo naman" kulang nalang ay pumalakpak siya sa sobrang pagkamangha.tsk
"HAHAHA oo nga eh" natatawa ding tugon ko sakanya..
"Nakikita mo ba ang sarili mo na magmamahal ng isang tao?" Biglang tanong niya dahilan para matigilan ako.
Ano bang pinagsasabi niya?Bat ganyan ang mga nagiging tanong niya saakin?Ang weird niya naman ngayong araw.Bakit kaya?Eh bakit kasi hindi ko nalang siya tanungin kung bakit ganyan ang tanong niya..
"Hoy" muntik na akong mapatalon sa kinauupuan namin na gawa sa kahoy ng magsalita siya..
"Ano?" Kabadong tugon ko sakanya..
"Bingi kaba?" Halatang naiinis na tanong niya saakin..
Anak ng..Ganitong kaguwapong nilalang bingi?
"Ano?Hindi ah!" Inis na singhal ko din sakanya..
"Eh bakit kailangan mo pang ipaulit ang mga tanong ko sayo?" Sarkastikong tanong niya saakin..

YOU ARE READING
THE GIRL IN THE RAIN
Mystery / ThrillerThe first time I saw you was the first time I experienced to fell in love.. "I only see you when the rain has come and there you're gone when the rain stop.."