𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 4

19 4 8
                                    


------------

Totoo ba talaga na hinatid ako ni Chaos dito sa apartment? Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala. It felt like it was a dream. 3 years ko na siyang nakakasalamuha dito sa university pero ngayon lang kami nagka interact nang ganun,  other than that time siguro sa Gazebo ay wala na akong maalala, at kung meron man sigurado akong hindi ko makakalimutan yun! So what gives ?

I don't remember telling him kung saan ang Apartment ko so pa'no niya nalaman ? it really makes me confused to what he's up to. Noong nasa gazebo mukha s'yang galit tapos noong sa gym naman mukha siyang nagaalala sakin, hindi ko s'ya Magets. I sighed. ang gulo naman, puro mix signals.

Nakausap ko na sila Papa kagabi at pinaalam ko na din na papayag ako. They were happy that i agreed pero ako hindi, I can't be happy knowing na ipapakasal ako sa taong hindi ko gusto. After the call they send me the location and date kung kelan daw kami magkikita nung magiging 'asawa' ko. I groaned with that thought.

It's Monday morning at nandito ako ngayon sa library, kakatapos ko lang gawin yung assignment ko sa isang major subject. I'm just reading an article about Japanese culture right now dito sa 3rd floor. Konti lang tao dito ngayon kaya nakakarelax. my next sub will be after lunch pa kaya i still have a lot of time para magliwaliw. My phone vibrated inside the pocket of my Jacket, I pulled it out and saw it was Rayna who texted me. Ano naman kaya kailangan nang babaeng to.

From: Rayna

Nasa'n ka? I need to tell you something.

To: Rayna

Ano yun? Nandito ako sa Library.

From: Ranya

Meet me in front of the Med Building in 5 minutes.

To: Rayna

What's this about Ray?

From: Rayna

Basta! In 5 minutes kita tayo sa harap ng Med building.

I just replied 'okay' and put my phone back inside the pocket of my Jacket. Ano kaya ang sasabihin niya ? Sinabi ba sa kanya ni Astrid yung tungkol sa arrange marriage ? Thehell ? I'm not yet ready to tell them about that. I hope I'm wrong about that. I know Astrid wouldn't do that to me, may tiwala ako sa kanya, but these past few days she's been acting weird. Hindi ko na lang s'ya kiniquestion kasi she knows what she's doing. Malaki na siya.

Tumayo na ako at inayos yung bag ko at libro. I don't really have a lot of stuff right now, after kasi ng mga subjects ay umuuwi ako at iniiwan ang mga gamit ko sa apartment. Ayoko magstay sa apartment at baka makatulog ako at matuluyan, baka gising ko na nun ay gabi na kaya iniiwasan ko talaga. I know I'm weird, body clock ko lang talaga yung sira na. I walked out of that section and went straight to the elevator.

Pwede naman mag stairs pero mas bet ko mag elevator, mas mabilis tsaka sayang yung bayad sa miscellaneous kung hindi rin gagamitin so might as well use it.

While waiting for the elevator ay may grupo nang mga lalaki na dumaan sa gilid ko, napatingin ako sa kanila at nakilala ang iilan sa mga lalaki na tiga Engineering department. Naghello yung iba sakin na kakilala ko, which is from Astrid's circle of friends sa department nila.

Nag Hello din ako at kumaway sa kanila, nang napalingon ako sa pinaka likod nila ay nahagilap ko si Chaos at Reiki. Nakangiti si Reiki sakin nang nakita niya ako at kumaway, napangiti nalang ako sa pagiging easy going niya, yung katabi niya naman ay seryosong nakatingin sakin, he looks deadly. Deadly hot.

Nakasuot siya nang universal uniform namin ngayon at masasabi ko na talo niya pa mga sikat na modelo. I'm really speechless, minsan lang siya mag universal uniform at sakto natyempohan ko ngayon. Lucky day ? I guess so.

Reveries In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon