𝙿𝚛𝚘𝚕𝚘𝚐𝚞𝚎

31 8 0
                                    

-----------------

"Ang lamig potek!" sabi ko pagkapasok ko nang apartment. Nanginginig nako habang hinuhubad yung jacket ko dahil nabasa ako ng ulan. Mabuti nalang malapit nako sa apartment nang bumagsak ang ulan kaya tinakbo ko nalang pagkababa ng kotse.

"Mommy ? Is that you ?!" narinig kong sigaw galing sa sala.

"Yes baby si mommy to !" I shouted back.I took off my sneakers and put it in the shoe rack.

Narinig ko na kaagad yung mga yapak niya na papalapit sakin.

"Mommy welcome back !" Nakangiti niyang sabi sabay yakap sakin sa may binti ko. Yumukod ako para magkapantay kami at ginantihan siya ng yakap. I miss him. Kahit ilang oras lang kaming hindi nagkikita miss na agad namin ang isa't isa. Aww My baby Pollux is so clingy.

"How are you ? Where's Tita Astrid?" Tanong ko sa kanya. While combing his hair to the side. Ang gwapo talaga ng anak ko kahit mukhang kakagising lang syet.

" She's there," sabay turo sa kusina."cooking po siya mommy." paliwanag niya.

Sabay kaming naglakad papuntang kusina habang magkahawak kamay at nakita ko nga si Astrid dun nagluluto. She's my best friend since high school at siya muna yung nagbantay kay Pollux ngayong araw, biglaan kasi akong pinapasok sa work imbis na day off ko dapat, but work is work. I need to work para sa anak ko. Kinarga ko si Pollux paupo sa upuan sa breakfast table kasi hindi niya pa abot and then I went near Astrid to look at what she's cooking.

"Mukhang masarap yan ah! Para ba sa'kin yan ?" I said with a grin on my face.

" Ambisyosa ka dzai, para sa anak mo to so shoo!" she said and rolled her eyes.

I just laugh at what she said and went to my room to take a bath at baka magkasakit pako since nabasa nga ako ng ulan. Health is wealth ika nga.

Pagkabalik ko sa kusina kumakain na ang anak ko ng pancake with chocolate syrup,  his favorite.

I went to him and kiss his head.

" Mommy, eat!" He said and put the spoon with a piece of pancake near my mouth. I opened my mouth and took a bite.

" Thank you baby,"  I said and he just gave me a toothy grin and continued eating.

"How was work ? Madami bang gwapo na pasahero today ? " Astrid said with a chuckle upon entering the kitchen. Kakagaling din ata sa pagligo kasi basa pa yung buhok and she was combing it. She was wearing a denim high waist pants and beige sweater cropped top.

" It was fine, Konti nga lang gwapo kasi puro matandang mag asawa kasama mga anak nila hays sayang." I said and took a sip of my Milk. "May lakad kaba ngayon? ayos na ayos ah!"

" Sayang nga, walang nabingwit. Dry season is real!" She said with a loud laugh.

" Shunga! nagsalita ang hindi dry season." I said and rolled my eyes. tinamaan ako dun ah, gg talagang babae to!

" Mommy, what's shunga and dry season ?" My son suddenly asked.

Nagtinginan kami ni Astrid at humagalpak naman siya ng tawa habang ako hindi alam kung ano sasabihin sa anak ko." Uhm... yung dry season baby is... yung summer! Oo summer! Mainit diba pag summer kaya dry." Palusot ko namn. Mas lalong lumakas ang  tawa ni Astrid. Punyeta! Imbis na tulungan ako pinagtawanan pako!

" Oh okay mommy, how about shunga ? " My baby Pollux asked again.

Napatampal naman ako sa nuo ko at tinignan ng masama si Astrid. She stopped laughing but still has a wide smile on her face. Sarap batukan!

"Hey my handsome pamangkin," she said and went near Pollux . "Stop asking mommy and finish your pancake or i will tickle you!" Pananakot niya sa bata. Pollux hated being ticked.

" No tita! No tickle!" He said and continued eating again. Astrid winked at me and I just rolled my eyes at her. Ay Impaktita to tinakot pa anak ko.

" Oh asan nga punta mo at ayos na ayos ?" I asked again. I looked outside and saw that it's not raining anymore.

" Pupunta ako sa shop ko, may aasikasuhin lang dun." She said.

"Dito kaba matutulog tonight? " I asked. Alam kung tamad tong bumyahe lalo na pag rainy season kaya minsan dito natutulog.

" Wiz dzai , condo ako. " she said. Mas malapit yung condo niya sa Shop niya sa diversion pero minsan dito siya natutulog minsan doon ko din hinahatid si Pollux sa condo niya . She helps me in taking care of Pollux pag may duty ako. I really appreciate her for that.

" Thank you and have a safe flight! " I said and gave their passports and boarding pass. That was the last passenger  for MNL flight.

" Break initial gate." I said to the radio.

" Go for Initial gate." I heard Jessel replied, she's incharge of the initial gate together with Cathy.

" All in na po ba tayo ? " I asked.

" All in na po. Thank you!"

Buti naman, babait ata nang mga passenger ngayon ah.

" Copy, thank you!" I said and clip the radio to my pocket. Inaayos ko na mga gamit ko sa counter para makapunta na kami sa Boarding gate." Good to go na tayo guys, 1150H palang so 10 minutes to go pa."

" Wohhh swerte natin ngayon, walang pasaway na passenger and all in. " Sky said while stretching in his seat. 

" Truelalo yan Langit, I'm so hungry na kaya let's get this over with. Power ! " Helen said and stand up. Tapos na din ata mag-ayos ng gamit.

Dumerecho na kami sa Boarding gate at smooth naman ang pag pasakay sa mga pasahero since early dumating yung plane from Kalibo. We did some paper works and planned to just submit them later. We ate our lunch  sa isang karinderya sa St. Barbara. malapit lang naman kasi sa airport yun at mura din.

" Out kana?" Sky asked nung nakita niya akong nagliligpit ng gamit.

" Yup, alam mo naman naghihintay na yung bulingit ko sa bahay. " I said and smiled at the thought na makikita ko na nanaman yung anak ko pag uwi. 

" Haha oo nga eh, miss ko na yun. Sabay na tayo pag labas." He said and I just nod and smiled at him.

Habang naglalakad kami palabas ng airport nang may nahagip yung mata ko. Napahinto ako sa paglalakad at nanlamig ang buong katawan na binalik ang tingin sa taong nakita ko.

It's him. Chaos !

Why is he here? shit!

He's holding a white hard hat and he's walking our way. Hindi parin ako nakagalaw at pinag papawisan ng sobra kahit hindi naman mainit ngayon.

" Hoy ayos ka lang? " Sky asked habang winawagayway yung kamay sa harapan ko. Hindi ko parin siya pinansin, hindi ako makapagsalita sa gulat. Kumakalabog yung puso ko na parang lalabas sa dibdib ko. Hindi ko alam kung ano gagawin ko. Tatakbo bako? Magtatago ? ano?!

Nanlaki ang mata ko nang huminto siya sa harap namin at kinausap ni Sky pero sakin nakatingin!

"Uy Chaos nandito kana pala. Makikisabay kaba ngayon?" Sky asked him. Magkakilala sila? Napalingon ako kay Sky with wide eyes. Napatingin din siya sakin at napatawa. Tangina nakakahiya, napaghahalatan ako! Nag init ang buong mukha ko at napayuko nalang pero hindi parin nawawala yung kaba ko.

" Yeah, Hindi ko dala kotse ko ngayon." He said and I can feel him staring at me. Shit.

Ayoko na ! Gusto ko nang umuwi! Tangina ba't siya nandito ? Diba dapat nasa...

" Gaea, si Chaos nga pala pinsan ko." Pagpapakilala ni Sky.

Hindi mo na siya kailangan ipakilala sakin kasi kilalang kilala ko siya.

His the father of my son.

𝕂.

Reveries In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon