𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 5

16 4 22
                                    

-------------

Lumapit ako kay Rayna na nakatayo sa harap ng Building nila. Naka lab gown pa siya at halatang kakagaling lang sa klase niya. Hindi niya ata nahubad sa pagmamadali.

"Buti at naisipan mo pa akong siputin." Mataray na sinabi niya. humalukipkip ito. Natawa nalang ako, nagmamaldita nanaman siya. Ganito talaga siya pag hindi agad nakuha ang gusto, she's a perfectionist, strikta kumbaga. Running for Magna cum laude and a top notcher sa department nila.

"Sorry na, May nakabanga kasi ako sa library at nahulog lahat ng dala sa lapag, ang dami nun at tunulungan ko pa siya, kaya medyo natagalan."I explained. I didn't exactly lied, i just extracted some parts. Which is yung part ni Chaos kasi baka ano pa maisip neto.

"Okay accepted." She said and guided me to one of those concrete benches encircling the trees around the big field. Napakaganda tumambay dito  at mag sightseeing. Madaming puno at napakalinis. Sometimes i would go here at night para lang mag star gazing, the school is open until 9pm at ang pinaka magandang pwesto ay sa gitna ng field.

"So ano yung sasabihin mo sa'kin?" I said as we sat down.

"Kanina kasi habang nasa lab kami tinanong ako ni Cross about sa'yo, ang dami niyang tinanong like kung may boyfriend kana daw ba, ano daw number mo etc. Basta mga ganun, nagulat ako bakit out of the blue bigla nalang siyang magtatanong about sa isang babae. You do remember him right ? " Napakunot ang noo ko sa sinabi niya, pero tumango ako dahil kilala ko naman kasi talaga si Cross.

Hindi kami close ni Cross at nakikita ko lang siya pag dumadaan ako minsan dito sa med building at nung pinakilala ako ni Rayna sa kanya nung 3rd year sila, may thesis kasi at sila ang makagrupo. Napakatahimik na tao ni Cross at napaka studious.

"I asked him kung bakit siya nagtatanong pero hindi niya ako sinagot at tinalikuran lang ako nang maisip siguro na wala talaga siyang makukuha sa'kin. Ano akala niya sa'kin chismosa ?" She said with irritation. Parang iniimagine niya pa na nasa harap niya si Cross at sinasakal ito.

That really made me laugh a lot more. Napaka sosyal nang babaeng 'to pero may pagka abnormal din minsan. She's so amusing, sa totoo lang.

"Bakit naman siya magtatanong about sakin? " I asked Rayna. It's not that I'm interested with Cross , I'm just curious.

Then it hit me, Napatigil ako sa pagtawa at nawala yung ngiti sa mga labi ko.

Magpinsan si Chaos at Cross. Ang Guerrero at Castañeda na apelyido ay sikat dito sa campus. They are known for their looks and brains, full package na para sa iba. Si Chaos ba ang nag-utos kay Cross na magtanong kay Rayna tungkol sakin?

No. No. No. Erase erase. Wag kang assumera Gaea! Masasaktan ka lang sa huli at ikakasal kana sa iba, nangako ka. Walang bawian.

" Sa totoo lang hindi ko din alam. I tried asking him the reason pero hindi na talaga ako kinausap ulit after nun. May nanliligaw ba sa'yo na kaibigan nun ?" she's now looking at me like she's trying to read what's on my mind. Hindi agad ako nakasagot.

Alam ko na iniisip  niya na may tinatago ako sa kanya, well meron naman talaga at yung arrange marriage 'yon pero ayoko muna ipagkalat 'yon. I know i can trust them but I don't have the guts to tell them right now, it's my problem not theirs.

And about Chaos, kahit ako hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya. Why would he do this? Why me? May kasalanan ba ako ?

Theheck! I've never even layed one finger sa kanila. So why ??? This is making me worry. Worry for the next few days.

"Hey are you okay?" she asked, now her face is plastered with worry as she look at my face.

"Wala akong manliligaw, okay? At kung meron man sigurado akong sasabihin ko sa inyo yun nuh!"  I averted my gaze and faked a smile to hide the lies. White lies.

Reveries In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon