𝙲𝚑𝚊𝚙𝚝𝚎𝚛 2

58 6 3
                                    

---------------

""Ikakasal ka next month."

Parang nabingi ako sa narinig ko. Napaawang ang bibig ko at gusto kung umalma pero wala, walang lumabas ni isang salita. Hindi padin naproprocess sa utak ko yung sinabi ni Papa.

Kasal ? wtf? 21st century na, ba't may ganyan pa? Tsaka hindi ko kilala yung ipapakasal sa'kin at sa tingin nila papayag nalang ako dahil sinabi nila ? Like hell I would ! hindi nila pwedeng gawin yun !

Nakatingin lang silang tatlo sakin at  parang hinihintay ang magiging reaction ko. Kumonot ang noo ko at  napabaling ng tingin kay Papa. Tinignan ko siya nang may sakit sa mga mata. I felt betrayed by my own parents and what do they expect, na ngingiti ako sa balita nila sakin ? Tsaka ang bilis naman at next month gusto na nila na ikasal na kami!

" What the hell Pa? Anong kasal pinagsasabi mo? Ayoko magpakasal!Tsaka next month, seriously? " Napatayo ako sa inis ko. Gusto kong umiyak dahil hindi ko alam kung ano gagawin. One thing is for sure ayoko pang makasal!

" Gaea watch your words!"  Napalingon ako kay Mama nang sabihin niya yun.

"How about you Ma ? Pumayag ka dito?" Umiwas nang tingin si Mama at parang naiiyak na din.

Mabuti nalang tahimik si Mr. Guerrero at nakatingin lang sa'min. Nakakahiya pero importanti sakin ang kasal, I had always dreamed na ikakasal ako sa taong mahal ko at mahal ako, hindi yung ganito na arrange marriage. I want to have my own love story like what my parents had. My mom always tells us the story of how she met dad and how they survived all those challenges together and how they love each other. I wanna have that too, they both know it. Pero bakit nila ginagawa sakin to ?

"That's enough Gaea. Our decisions are final, you will be married next month." 

I can't believe this! They will really do that to me ? Their own daughter?

Hindi ko matatanggap to!

"GAEA SAN KA PUPUNTA ?!"

Tumayo ako at dumerecho palabas nang bahay. Hindi ko na pinasin ang kanilang pagtawag sa pangalan ko. I can't face them right now, baka may masabi pa'kong masama na pagsissihan ko sa huli. Might as well cool my head first. I need space and time to think.

Dumerecho ako sa terminal at sumakay, last trip na at saktong paalis yung jeep pag dating ko. Umupo ako sa pinaka dulo, konti lang pasahero since gabi na. After an hour nakadating na din ako sa Apartment. I opened the door and went directly to the kitchen and drank a glass of water.

Feel ko parang sasabog yung ulo ko sa mga naiisip ko. I'm confused and really frustrated. What made them decide na ipakasal ako? Is this about business? May problema ba sa business namin ? What ?

I heard my phone vibrating. I got it out of my pocket, it's Mom. I didn't answer it and just decidedto turn my cellphone off. I don't wanna talk to them right now, pero baka magbago pa decision nila Papa at maisip nila na hindi talaga ako papayag sa gusto nilang mangyare. I hope so, i really do.

"GAEA! "

Napaangat ako ng tingin at nakita si Astrid na naglalakad papalapit sa Gazebo na inuupuan ko. Nandito ako ngayon malapit sa promenade tumatambay since my next class is at New Valentine bldg. Magkatapat lang kasi sila at may mga gazebo's at upuan na  sa palibot ng Promenade. Umupo siya sa harap ko. I just stared at her while she was taking here seat.

"Wala tayo sa mood ah, may nangyare ba ?" She asked. Hindi ako sumagot. I don't know if I should tell her. I know mapagkakatiwalaan naman siya pero magulo parin kasi.

"Ay snobber." Sabay irap sakin at nag umpisa nang kainin yung dala niyang pagkain.

"Astrid paano kung iarrange marriage ka ni tita, papayag kaba ? " Seryoso kung tanong sa kanya. Napaangat siya nang tingin at tinignan ako na para bang isang libro na binabasa.

"What ? Bakit mo naman natanong?" She asked with a curious look in her eyes. Napaiwas ako ng tingin. " So may nangyare nga? Sino ikakasal ?"

"Just a what if!" Pagtatangi ko. "Ano gagawin mo pag nangyare yun ?"

"Weh? I smell something fishy." Sabay tayo niya at umupo sa tabi ko.

" Wala nga! May nabasa lang ako na ganun yung nangyare ! Gusto ko lang malaman opinion mo sa gano'ng set up." Sabi ko. Nagsisisi tuloy ako ba't ko inopen up to sa kanya.

"Sus, pero para sa'kin ayos lang. You know I don't really believe in love tsaka kami nalang ni Mama naiwan magkatuwang, alam mong gagawin ko lahat para kay Mama." She said with a smile on her face. She really loves Tita.

Should I also do what my parents wants me to do? Hindi ko padin sila nakakausap simula ng umalis ako sa bahay. I don't know kung alam din ng kapatid ko 'to pero ayoko muna na makausap kahit isa sa kanila.

"Astrid pano ku--"

"Pwede bang makiupo dito? " Biglang singit ng isang boses. Sabay kaming napalingon ni Astrid at nakita ko si Reiki Wyatt Roque, and bestfriend ni Chaos! " Wala na kasing available na gazebo at puno lahat. If okay lang sa inyo." He said with a smile on his face.

Wait , kung nandito si Reiki big sabihin nandito din si Chaos! Tumingin ako sa likod niya at hindi nga ako nagkamali at nando'n siya sa hagdanan ng gazebo nakatayo. Napabaling siya sa'min at naabutan niya akong nakatingin sa kanya, iiwas sana ako pero naisip ko na first time ko siyang makatitigan kaya susulitin ko na! Nagkatitigan kami ng ilang segundo bago siya umiwas ng tingin at kumunot ang kanya noo.

Bakit ang unfair ?  kahit mukhang galit siya ang gwapo padin ?? Saan ang hustisya ??

" Uy Gaea! Makikiupo daw sila. " saad ni Astrid sabay siko sakin . Binalingan ko siya at tinignan nang masama, Nginitian niya lang ako. Abnormal to, akala niya hindi masakit pag siko niya sakin !

Tumingin ako kay Reiki at nginitian siya, " Sure, upo kayo."

" Oh nice, thank you talaga, Reiki nga pala name ko at ito si Chaos, Nice meeting you." He said and took a seat in front of us. Is he always smiling?

"Nice meeting you too, my names Astrid and this is Gaea," pagpapakilala naman ni Astrid. Mapanuksong tumingin naman si Reiki kay Chaos. Tingin na may kahulugan at sila lang nakakaintindi.

Napa baling ulit ako ng tingin kay Chaos. Tumango lang ito at umupo na din siya. Nang makaupo siya ay nakatitig padin ako sa kanya. Nag uusap na silang dalawani Reiki. It gave me the chance to stare at him closely. He has that chinky hazel eyes, thick brows, thick eyelashes, pointed nose and thin lips. Halos lahat ng babae mahuhumaling talaga sa kanya. Pinadaan ng mga daliri niya ang medyo kulot niyang buhok. Napaawang ang labi ko sa ginawa niya , those long fingers and messy hair made him more attracted at hindi niya man lang alam yung epekto niya. Syet Ang gwapo talaga.

"Gaea kung Ice lang yan kanina pa tunaw yan." Bulong sa'kin ni Astrid. Napabaling yung tingin ni Chaos sa'min at doon ko lang narealize na nakakahiya yung paninitig ko sa kanya kanina pa. I felt my face heated up sa sobrang hiya ko.

" Shut up Astrid. " I said still embarrassed.

Pasulyap sulyap ko nalang siyang  tignan. I just can't believe na nandito siya sa harap ko. 3 years na kaming schoolmate pero ngayon lang talaga nangyare to. Sign ba talaga 'to ?

I felt my phone vibrated. I took it out and saw it was an alarm for 1:25 pm. May class pa pala ako at 1:30pm.

"Astrid I need to go, may class pa'ko jan sa OV. See you later nalang sa Condo mo," I said and started puting my stuff inside my backpack. Napatingin sila Chaos sakin. Hindi nako tumingin sa kanya ulit dahil naramdaman ko nanaman yung hiya ko. I stood up and put my back pack on.

"It was nice meeting you again, Bye." I said and just smiled at Reiki, sinulyapan ko naman si Chaos pero mabilis lang yun, ngumiti din ito pabalik. I started walking and just waved my hands at Astrid.

"Oh okay, see you later! " she waved back and started eating her food again.

Sayang ilang minuto ko lang siyang nakasama. I hope may next time pa. I tried my best to not look back pero hindi ko talaga matiis. Bago ako pumasok sa OV bldg lumingon ako sa gazebo na inuupuan ko kanina and my gaze was met with a set of hazel eyes looking back at me and my soul.

K.

Reveries In The RainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon