Chapter 13: Thank You

1K 26 5
                                    

A/n: HAPPY NEW YEAR :D! Thank you kay @glendhel sa pagbati at pagsuporta :), Kay @Princess27 sa pagreremind sa akin na mag-UD na ako ahaha :D, kay @missprimeraG dahil ang gondo niya xD at ang chapter na ito ay dedicated kay @azselu :D. @azselu, yung Illegal Pregnancy ay On-Hold dahil tatapusin ko pa po ito :). Next time ka @uglykrissy :D Babawi ako sa inyo ngayon, THANK YOU LOVEMATS <3

Rein's POV 

" Infatuation is the act and ability to have a certain attraction to someone at a high degree. It can make your heart beat faster, your adrenaline higher and can make you stop time at a certain moment. But all in all, it's just a simple attraction. May be lust, but never be love."

Pumalakpak si Eliz sa harap ko with a big smile on her face. Sunod ay nagsisipalakpak na din ang mga kaklase ko hanggang sa lahat sila ay pinalakpakan na ako.

" Bravo, miss Chavez. You may take your seat."

Kakatapos lang ng aming social values class. We participated in a game that our teacher made. Kung anong word and nabunot mula sa isang jar, kailangan mong mai-explain mo iyon sa loob ng 15 seconds or lower. At kung sinuswerte ba naman, ang 'infatuation' pa ang nabunot ko.

" Grabe ka Rein ha! Parang true to life ang drama mo kanina. I can't take that anymore! Puwede ka na talagang drama actress," biro niya sa akin. 

Sinuntok ko ng mahina ang kanyang patpating braso at tumawa, "Baliw ka talaga. Wala lang 'yon noh." Naglalakad kami ngayon ni Eliz sa may hallway para sa susunod naming klase. Ang suwerte ko talaga at parehas kami ng course na pinili which is Psychology. Liliko na kami sana sa susunod na daanan nung biglang may bumangga sa akin na dahilan ng pagbagsak ng mga libro ko.

" Sorry sorry! Tulungan na lang kit--Rein?"

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Boses ni Elton iyon, pero ang taong nasa harap ko ay naka-fitted black t-shirt na may print na 'The Goons' at may suot na ulo ng lion sa kanyang ulunan.

" Elton?" bulong ko. Pansin kong kasama niya ang kanyang tatlo pang kabanda at nakatingin ang mga ito sa aming dalawa.  Dali-dali kong pinulot ang aking libro at research papers. Tinulungan naman ako ni Elton sa pagpupulot. Pagkatayo naming dalawa, agad-agad silang umalis at pansin namin na papunta sila sa may gym ng school.

" Huwag ka nang magtaka Rein kung hindi sila namansin. Ganoon talaga sila dahil iyon ang kanilang batas," sagot na lang ni Eliz sa akin. Nakakunot-noo pa din ako sa kanya.

" Gaga ka! Male-late na tayo kay sir Pascual!" sigaw niya sa akin. Natauhan naman ako agad kaya agad-agad akong sumunod kay Eliz.

Lahat ng mga nangyari na pinoproblema ko kahapon ay natuldukan na. Gumawa si Eliz ng page na pinangalan niyang 'Glennie Reecie Fans Club' sa facebook, twitter, at instagram. Pagkaraan lang ng sampung minuto, meron na kami kaagad na 175 girls waiting to be accepted as our members. Sakto naman at sumali ang mga fangirls ni Glen sa aking school. Ang layunin ng page na ginawa namin ay magkaroon ng more than a million likes para mapansin kami ni Glen. Ginawa nila akong President ng fans club kahit alam kong mahirap na kapag nalaman ng asawa ko. Nag-agree din kami na pupunta kaming dalawa sa gig ng "The Goons' sa Pasay. Tumawag ako sa doktor na nag-check sa akin at nag-request kung puwede sa susunod na month na lang ako magpapacheck-up ulit at nag-agree naman ito. Maya-maya naman ay bibisitahin ko si Tatay Agustin sa ospital. 

Hay. Kailangan kong manalo sa deal namin. Iniwan muna sa akin ni Sarah si Glen. I would not waste this time. Ipapakita ko sa kanya ang karma niya.

Sakto ang pagdating namin ni Eliz sa klase ni Sir Pascual. Kinausap pa niya nga kami bago magklase. In-explain namin ang page na ginawa namin. Sumang ayon naman siya at gagawin niya daw ang lahat para lang magkatuluyan silang dalawa. Kung alam lang sana ni Sir Pascual na may dalawang babae nang pinagkakaabalahan si Glen.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon