Chapter 1

2K 26 4
                                    

C H A P T E R 1

Rein's POV

" Good morning teacher. Good morning classmates, sorry I'm late," bati ko sa classroom. Sabi na nga ba at male-late ako nito. Sana hindi na lang ako nag-drama non.

" Good morning Miss Chavez and you're twenty minutes late. Just proceed to your seat," sabi ng class adviser namin. Mabuti na lang at mabait itong si Prof. Gonzales.

" Thank you ma'am"

Dali-dali akong pumunta sa likod dahil doon ako naka-upo. Nakita ko namang nandoon ang kaibigan kong si Eliz.

" Hi Rein!" masayang bati ni Eliz. Siya lang ang nakakaalam tungkol sa mga pinagdadaanan ko. Simula nung naging asawa ko si Glen hanggang sa araw-araw kong buhay sa pagiging isang Mrs. Reese. 

" Oh kamusta ka naman? ano na naman ang ginawa ng lokong asawa mo na yun?" sabi niya

" Shh! ano ka ba Eliz. Baka may makarinig sa iyo" saway ko. Mahirap na kapag malalaman nila.

" Sorry naman. Ano na nga kasi?" tingnan mo itong babaeng ito ang kulit.

" Hay. Ganun pa din. Halos araw-araw parang galit siya sa mundo tuwing kasama niya ako. Hindi na ata magbabago 'yon. Galit siya sa akin di ba?" sabi ko kay Eliz. Umiling-iling naman siya.

" Alam mo, ang epal talaga niyang asawa mo. Pasalamat siya at mabait ka. Baka matikman niya ang suntok ng isang Elizabeth Choson kapag sinaktan ka niya" sabi ni Eliz sa akin. Kung alam mo lang Eliz, palagi niya akong sinasaktan.

" Salamat pala Eliz ha? kasi palagi kang nandito sa tabi ko. Kahit palagi akong nasasaktan ay palagi kang nandiyan para pasiyahin ako. Ikaw na nga lang ang natitirang totoong kaibigan ko eh. Salamat talaga," at niyakap ko siya. Naiyak ako ng bahagya. Kahi kailan hindi niya ako pinabayaan. Kahit kailan hindi niya ako iniwan. 

Nagulat naman siya sa pagyakap ko pero kumalma din siya kaagad at niyakap ako," Ano ka ba. Parang kapatid na nga kita eh. Kahit nga din ikaw eh. Palagi kang nasa tabi ko. Palagi mo akong tinutulungan. Masaya akong nakilala kita Rein" nakita ko siyang ngumiti kaya napangiti din ako. 

" Alam mo Eliz..," sabi ko

" Ano 'yon?" tanong niya habang nakayakap siya sa akin.

" Sana ikaw na lang ang naging asawa ko"

Naramdaman ko naman ang pagkagulat niya kaya humiwalay siya sa yakap.

" Gaga!" at tumawa kaming dalawa

*

Kakatapos lang ng klase at oras na para sa lunch break. Pumunta kami sa garden ni Eliz. Presko kasi doon at tahimik. Araw-araw kaming kumakain doon at mabuti na lang at walang estudyante ang pumupunta dito tuwing lunch break.

" Bakit ba hindi niya kinain ang luto mo Rein?" tanong ni Eliz habang nginunguya niya ang baon niya. Tumatalsik na nga yung kanin sa akin eh.

" Dahan-dahan ka nga sa pagkain mo Eliz. Tumatalsik na yung kanin mo dito eh. Sabi niya sa akin kung gusto ko ba daw siyang patayin dahil sa luto ko. Hindi man lamang niya in-appreciate yung luto ko" sumbong ko. Ganito talaga ako kay Eliz. Siya na kasi ang halos tumatayong pangalawang nanay ko.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon