Chapter 24: Who?

607 16 7
                                    

A/n: First and foremost, I want to say sorry for all the waiting that you all did for this update. I'm sorry. Yes, sorry. Hindi ko po na-update ito agad dahil po sa dami ng mga ginagawa ko. I'm hoping po na maintindihan niyo ako :(. THANK YOU KAY @Zucchinni sa pagdedicate niya sa akin ng isang chapter sa Ciel's Forever. Ganda niyang story guys makaka-relate talaga kayo :D. And THANK YOU PO SA LAHAT NG NAGHINTAY. Dedicated to @Eytelende :D! Enjoy po <3







Rein's POV


Biglang tumibok ng malakas ang puso ko. Para bang nakaramdam ako ng tao na nagmamasid sa akin. Dali-dali akong lumayo sa may bintana. Hinawakan ko ang aking dibdib upang madama ang mabilis na tibok ng puso ko.



" Rein?"


" Ay!" gulat kong sigaw. Hindi ko namalayan na meron na palang pumasok sa loob ng opisina. Nakahinga ako ng maluwag nung si Gmasok. Nabawasan ang kaba na naramdaman ko. len ang pu



" Oh, ba't ka nagulat?" kanyang tanong.


Umiling ako sa kanya. "Wala naman. May...May iniisip kasi ako nung bigla ka na lamang pumasok," sagot ko nang hindi tumitingin sa kanyang mga mata. Bigla ko na lang naramdaman ang kanyang kamay sa aking balikat. Napatingin tuloy ako sa kanyang gawi.


" Ano bang iniisip mo?" gamit ang kanyang nag-aalalang tono. Umiling ako ulit. Nakakahiya naman kung sasabihin ko pa ang mga alalahanin ko.


" Wala ito, Glen. Sa akin lang naman ito. Teka at magbibihis lang ako," sabay kalas ko sa kanya. I can see him staring at me using my peripheral vision. Tama. Wala lang ito.



" Nasaan ba ang... C.R mo dito?" habang tumitingin ako sa mga gilid-gilid.



" Doon, malapit sa bookshelf," turo niya sa isang kulay puti na pinto. Tumango na lang ako sa kanya bilang pasasalamat. Dahan-dahan akong pumasok sa C.R. at masasabi kong namangha din ako dahil na rin sa pagkakaayos ng mga gamit sa loob. Halatang nililinis ito araw-araw kasi malinis ang bawat gilid na nakikita ko.


Dali-dali na akong nagbihis upang makasunod na ako sa labas. Natatakot akong lumabas sa opisina ni Glen. Ano naman kaya ang sasabihin ng mga empleyado doon? Sasabihan kaya nila ako ng kung anu-anong pangalan? Pagtsi-tsismisan kaya nila ako doon?


Pipihitin ko na sana ang doorknob nung bigla kong narinig ang galit na tinig ni Glen.


" What did you say, Alfred?! Bumaba ng 30% ang income ng kumpanya?!" galit niyang sambit


" Opo, sir," sagot ng Alfred. "Malaki nga po ang binaba ng ating mga produkto. Sir, sabi po ng mga users ay bumaba daw ang quality ng ating mga products. At sabi pa po ng iba ay ang mahal na daw po ang ating mga presyo. Sir, ano po bang dapat nating gawin?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 07, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon