Chapter 5: Broken

1.1K 23 2
                                    

A/n: last update for this week. May exam pa po kasi kami and christmas party so aagahan ko na muna po ngayon :). Dedicated to @juvson dahil gusto niya po ng update. Sana po magustuhan niyo ang monita ko :D. If you want dedics I am free and open. Enjoy!

Rein's POV

" Rein," sabay iyak ni Eliz.

Nandito ako sa bahay nila. Wala na kasi akong maisipang pupuntahan. Kapag pumunta naman ako kayna Nanay Anna, baka sabihan na naman ako ni Glen ng kung anu-ano. Nagkapasa-pasa ang mga bahagi ng katawan na binugbog niya kagabi. Pagkatapos kasi niyang umalis, pinilit kong itayo ang aking sarili para tawagan sa telepono si Eliz. Sa awa ng diyos ay sinagot naman niya ito agad-agad at pumunta siya sa bahay namin kagabi para ihatid ako sa kanila. Sa bahay na niya nga ako nakatulog eh. Siya ang gumamot sa mga sugat ko at sobra-sobra ko iyong pinagsasalamatan.

" Rein, ayoko nang iwanan ka. B-Baka bugbugin ka lang niya ulit, k-katulad na lang ngayon. 'Wag k-ka nang umuwi," aniya. Kanina pa siya umiiyak at kahit ako'y napapaluha dahil sa awa at takot niya para sa akin.

" Ano ka ba, Eliz. Ayos lang ako. Hindi pa naman ako patay para iyakan mo ako ngayon. Kaya ko naman ang sarili ko," sabi ko. Gusto kong mapanatag na siya sa ngayon. Ayokong mag-alala siya ng sobra-sobra.

" Why Rein?" she histerically said with a protesting tone," bakit ba lagi mong sinasabi na ayos ka samantalang hindi naman talaga?! Ayos lang ba sa'yo na makita ng ibang tao ang kalagayan mo ngayon? Sa tingin mo ba ay hindi ako nasasaktan sa tuwing nakikita kitang ginagawang walang kwenta ng magaling na Glen na 'yan?! Nasasaktan ako! Kaya please Rein, dito ka na lang. Please."

Nagsisimula nang mahiwa ang puso ko sa sakit. Sa tuwing naaalala ko ang mga ginagawa ni Glen sa akin, laging sinasabi ng isip ko na layuan na siya, tumakas, umalis, pero sa kasamaang palad, iba ang sinasabi ni puso ko. " Pasensya na Eliz, pero hindi ko kayang iwan ang pagsasama namin. Relihiyoso ka kaya alam mo 'yon. Two persons who married with each other must live with faith and trust no matter what circumstances may bring. Kahit mahirap sa loob ko na hanggang ganito na lang kami, ang kasal, kahit sa simbahan o papel lang 'yan, ay dapat pa ring nirerespeto because of its value, kahit alam kong wala akong kwenta para sa kanya," sagot ko.

Lumayo si Eliz sa akin pero puno ng awa ang mga mata niya. "Then what about love, Rein? Hindi ba mahalaga ang pagmamahal sa isang relasyon? Do you think faith and trust will work without love? Ano pang naging silbi ang faith at trust na 'yan kung hindi mo naman mahal ang tao? Kung hindi mo siya pinapahalagahan? 'Di ba wala? Be true to yourself. Layuan mo na siya, umalis ka na sa poder niya. If you want, be with me. Dito ka na lang sa bahay ko. Tutal naman ay kilala ka nina mama at papa kaya sa tingin ko ay okay lang kung dito ka muna manatili. Tsaka, nag-iisa lang naman ako dito," she suggested. 

I smiled at her, pero sabay ng aking pag-iling na ikinalungkot pa ng mukha niya,"Sorry, Eliz. Pero may responsibilidad pa ako sa bahay namin. Kapag nilayuan ko ang responsibilidad na 'yon, tatawagin nila akong walang kwenta at masokista. Kaya, kahit sabihan pa nila ako na napakahina ko kasi nagpapa-api lang ako, tatanggapin ko. Kasi, hindi ko naman pinapabayaan ang responsibilidad na nakaatas sa akin. I'm a wife. I may be young, but my understanding is already matured to know what is right and what is wrong. Kung ikaw siguro ang nasa kalagayan ko Eliz, sana maalala mo itong sinabi ko. Kasi hindi biro ang mabuhay ng ganito. Ang mag-asawa ng maaga sa lalaking mas matanda pa sa'yo ng walong taon."

She hug me very tightly and cried over my shoulder. Napangiti ako. Napaka-understanding kasi ni Eliz para tanggapin ang desisyon na ginawa ko kahit hindi iyon ang sinisigaw ng isip niya. I truly love her for being like this.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon