Chapter 23: Office

1K 25 10
                                    

A/n: Welcome sa'yo :D. Dedicated to @kathzkie :). Naguluhan kayo kay Glen noh? Naku, magulo naman talaga yan as always. Medyo maselan tong chapter na ito :o. Sa mga nagbabasa po pala ng The Illegal Pregnancy, ia-update ko na po siya muna sa ngayon :) Thank you :)

Glen's POV 

Nag-aayos si Jeff ng kanyang mga gamit. Ngayon na kasi ang leave niya para sa asawa niyang buntis. Minsan napapaisip ako. Kung ako kaya ang nasa kalagayan ni Jeff, tapos buntis si Rein, ganito din kaya ang gagawin ko?

" Thank you talaga, Glen. Gagawin ka talaga naming ninong sa binyag," sabi ni Jeff nang nakangisi.

Ngumiti ako. "Oo ba," sabi ko pabalik.

Maraming inaayos si Jeff. Halos lahat ay ginagamit niya sa bahay nila. Second home na kasi ang turing niya sa office niya kaya ganoon. Gabi-gabi kasi siyang gumagawa ng mga papeles and documents para sa kumpanya. Mabuti nga at tinapos niya yung para sa susunod na buwan na mga documents. Kung hindi, baka masiraan pa ako ng ulo sa kakagawa at kakaisip.

" Pre, di ba meron kang sinabi na papalit sa akin?" tanong ni Jeff. Ngumiti siya ng napakabanayad. Gusto niya talagang malaman ang magiging secretary ko?

" Oo. At huwag mo na sanang tanungin kung sino."

" Pare naman! Aalis na nga ako, magpapaka-mysterious ka pa diyan! Sige na oh!" pangungulit niya. Hinawakan ko ang sentido ko. Kahit kailan talaga. Hindi ako mahilig sa mga childish.

" Okay!" sabay taas ko ng aking dalawang kamay na para ba akong nahuli ng pulis. "Gusto mo talagang malaman?" tanong ko.

" Talagang-talaga! Sino nga ba kasi?"

Ngumisi ako ng malaki. "Si Rein lang naman, Jeff."

Nakita ko ang paglaki ng kanyang mga mata, tanda ng pagkagulat. "Niloloko mo lang ako, hindi ba?"

Napatawa ako sa reaksyon niya. "Ano ka ba! Mukha ba akong manloloko para sa'yo?"

" Oo. Araw-araw." 

" Ewan ko sa'yo. Basta, si Rein nga ang bago kong sekretarya ngayon," sabi ko ng may tono ng pagmamalaki.

" Glen! Ano ka ba! Sa tingin mo ba ay merong kaalam-alam 'yang asawa mo sa kumpanyang ito? Look, baka nga ay iyon pa ang ikasira ng kumpanya ninyo. Hindi naman sa wala akong tiwala sa kanya, it's just that, nag-aalala ako. Unti-unting bumababa ang gross income ng company natin. Hindi naman pupuwede na hayaan na lang nating ibigay sa kamay ng mga baguhan iyon," pangangatwira ni Jeff. 

" Jeff, I don't have bad intentions for the company. Hindi naman sa gusto kong bumaba ang income nito. Gusto ko kasing mapasaakin lang si Rein. At ang pagiging secretary lang niya ang natatanging paraan para hidni siya makatakas sa akin. Lalo pa't meron siyang bagong manliligaw ngayon," I said in defense. Gigil na gigil ako kagabi lalo na nung sinabi ni Rein na manliligaw niya ang Elton na iyon. I just tried to calm myself para sumama lang siya sa akin.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon