Chapter 17: Hate

1.2K 28 4
                                    

A/n: Dahil sa holiness ni Pope Francis, mag-UUD muna ako :). Sorry kung hindi ako nakapag-UD agad. Nawala kasi bigla yung internet kaya nabura tuloy ang draft ko :(. Dedicated to @cbbernardo :D. Thank you sa inyong lahat <3 Love you talaga guys. 

Rein's POV  

" The person is found gulity," sabay pukpok ng judge ng kanyang gravel sa lamesa.

Nabingi ako. Pagkatapos sabihin ng judge ang mga katagang iyon ay ultimo nablanko ang utak ko. Hindi ko alam ang susunod na gagawin at mararamdaman ko.

" Rein! Nanalo tayo!" sabay iyak ni Eliz sa aking balikat. Iyak siya ng iyak na halos mabasa na ang damit ko. I can't believe it. All our hardwork paid off. Niyakap ko si Eliz pabalik. Napangiti ako. I'm happy, very happy at what is happening right now.

" Masaya ako para sa'yo, Eliz," sabay haplos ko sa likod niya. Grabe ang hagulgol niya, ayaw niyang tumigil. Pero masarap pakinggan, lalo na't alam mong dahil iyon sa kasiyahan niya. Nakita kong tumingin si Atty. Lopez at Sasha sa gawi namin. I smiled and mouthed 'thank you' to them. Ngumisi silang dalawa at nag-OK sign.

" Hindi Pupuwede! Mapapatay ko muna kayong lahat!" pagwawala ng stepfather niya. Tumingin kami sa lalaki at kita ko ang galit sa mga mata ni Eliz. Nilapitan niya ito. Nung harap-harapan na sila, dinuraan niya ang mukha nito na kinagulat namin.

" Ayan. Ayan ang para sa'yo. Pasensya na kung dura lang ang regalo ko sa'yo ha? Plano ko kasi suntukin ang pagmumukha mo eh." Tinalikuran niya ito at pumunta uli sa tabi ko. "Ah!" sigaw ng stepfather niya. Binatukan ito ng mga pulis at tinulak palabas.

Tumingin si Eliz sa akin gamit ang kanyang malalamig na mga mata.

" Eliz?" kuwestyon ko sa kanya. Nag-aalala ako at baka galit na naman siya. Pero hindi. Unti-unti siyang ngumingisi na nagpangiti sa akin.

" Rein!" tili niya sa harap ko. Tumalon-talon siya kaya napatalon din ako. "Thank you! Thank you talaga as in! Hindi ko inakala na gagawin mo iyon! Ganun mo ba talaga ako kamahal? Shit! As in, OMG lang! Akala ko kasi sinabi mo lang na tutulungan mo ako katulad ng mga ginawa ng mga taong pinagkatiwalaan ko, pero ginawa mo talaga. I love you talaga! Bukod tangi ka!" sabay yakap niya sa akin habang tumatalon. Halos nahihilo na ako sa ginagawa naming dalawa, pero hindi ko siya pinigilan. 

" Walang anuman. Pero hindi ka lang dapat magpasalamat sa akin. Lahat ng mga taong nagtanggol sa'yo, lahat iyon ay tinulungan ka."

Binitawan niya ako. Nakita ko ulit ang mga luha sa mata niya. "Rein, ikaw pa rin. Hindi ko naman malilimutang magpasalamat sa kanila. Pero ikaw talaga. Kung hindi dahil sa iyo, hindi sila gagawa ng paraan para tulungan ako. Thank you, Rein. Thank you, bestfriend," sabay yakap niya ulit.

" Walang anu--" hindi natuloy ang sasabihin ko kay Eliz dahil sa isang boses.

" Eliz," tawag nito.

Napalingon si Eliz sa kinaroroonan ng boses. Ramdam kong napatigil siya sa puwesto niya. Ramdam ko ang bahagyang panginginig ng kamay niya.

" Mama," banggit niya. Ewan ko ba pero feeling ko nasa isang tv drama ako, pero kakaiba. Dahil totoo ang mga nangyayari. 

" Eliz," unti-unting lumapit ang nanay niya sa aming dalawa. Pero ramdam kong umaatras si Eliz na halos matabunan na niya ako ng bigat niya. Pero hindi pa din siya nakatakas sa yakap nito na hindi naman niya sinalubong.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon