Chapter 7: Kiss and Pain

1.3K 20 13
                                    

A/n: Dedicated to @polyurethane :)! Nasa hugot kasi 'yan ng puso. Enjoy!

Rein's POV 

Minulat ko ang mga mata ko at ang tumambad sa akin ay ang mukha ni Eliz.

"Gising ka na..." nagulat ako sa bilang pagsigaw niya ng malakas sa harap ko. Napansin ko na purong puti ang mga dingding at kama. Pati ang uniporme ng mga tao ay puti din. Walang duda, nandito ako sa ospital.

" Rein! Mabuti at gising ka na! Alam mo ba na sobra akong nag-alala sa'yo kanina? Mabuti na lang at may tumulong sa atin na dalhin ka dito," ngumiti si Eliz sa akin at saka ko lang naaninag ang isang lalaki sa likod niya na nakangiti din sa akin.  Mestizo ito at may dimple sa kanang pisngi. Gwapo ito at halatang mayaman lalo sa suot nitong Bench tshirt. At ang pabango niya, amoy na amoy ko hanggang dito. Lalaking-lalaki ang dating niya. Malalim ang kanyang mga mata pero mas lalo lang nakadagdag iyon sa magagandang features niya," Rein, ito pala si Elton, Elton Gomez."

Lumapit ang lalaki sa akin at inabot ang kanyang kamay. Wala akong nagawa kundi abutin din ang salubungin ang kanyang pakikpagkilala. "I'm Elton Gomez, and I'm glad to meet you, Rein."

Nginitian ko siya ng alanganin dahil gulong-gulo ako sa mga nangyayari. Tatanungin ko na sana si Eliz ng biglang may nagbukas ng pintuan. Pumasok ang isang doktor na may dalang record sa mga kamay nito. "So you are awake now, Ms. Chavez." Humarap ang doktor sa akin at halatang may ine-examine siyang mabuti sa dala nitong record. "Mabuti naman at gising ka na. Hmm..ayon dito sa record na nakalap ko kanina, you suffered from a very painful headache three hours ago. Ayon sa mga nakasaksi, bigla ka na lang daw nahimatay. Meron ka pa bang naaalala mula kanina?" tanong ng doktor sa akin.

Sinalubong ko ang kanyang mga tingin," Wala na po akong maalala maliban lang sa mga pangyayari bago ako mahimatay. Kasama ko lang si Eliz no'n at..,"bigla kong naalala ang nangyari kanina, si Glen at Sarah,"at bigla na lang sumakit ang ulo ko at sunod po ay hindi ko na alam." Ewan ko ba pero meron akong naalala na nagsalita bago ako himatayin. Everything will be alright, don't let go. Iyon ang eksaktong narinig ko. Pero hindi ko alam kung sino ang nagbanggit ng mga katagang iyon.

Sinuot ng doktor ang kanyang salamin at mas lalo pang kinikilatis ang record nito," Okay. Pero wala ka bang dahilan kung bakit ka nagkaroon ng isang matinding headache kanina. Katulad na lang halimbawa ay stress ka sa mga ginagawa mo o kaya ay buntis ka," namula ako sa sinabi ng doktor. Kung tatanungin ako kung mabubuntis ako, hindi ata mangyayari iyon. Ni-hawakan lang ang daliri ko ay hindi nga magawa eh.

"H-Hindi naman po ako siguro buntis," sagot ko habang nang-iinit ang mga pisngi ko. Napatingin ang doktor sa akin at ngumiti. Pansin ko na nakangisi si Eliz sa tabi ko. Paniguradong aasarin niya ako nito.

"Just asking, hija. Pero siguro ay stress ka. Ayon kasi dito sa hawak kong record, kailangan mong ma-examine for further test. Meron kasi kaming nakita ng mga kasama ko na kakaiba sa iyo kanina noong in-examine ka namin. Sa ngayon siguro, ang irerecommend ko sa'yo ay stress-free environment and balanced diet, lalo pa't kita sa katawan mo na hindi ka gaanong kumakain. Sa ngayon, puwede ka nang lumabas."

Lumabas na kami nina Eliz sa hospital. Kinausap pa ako ng doktor na kailangan kong alagaan ang sarili ko dahil kailangan kong bumalik sa susunod na linggo.

" Oh talaga Elton! Sa university ka din pala namin nag-aaral?" manghang tanong ni Eliz. Kanina pa kami naglalakad dito sa may kalsada. Masarap kasi ang hangin at wala gaanong taong lumalabas kaya nagdesisyon kami na ganito na lang. Kanina pa nag-uusap sina Elton at Eliz ng kung anu-anong bagay. Nakakatuwa nga silang dalawa dahil ang dami nilang pinagaawayan. Kamusta na kaya si Glen ngayon?

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon