Chapter 15: Period

1K 22 7
                                    

A/n: Sorry kung hindi ako nakapag-UD agad :( Nung nabasa ko yung mga comments niyo, sobrang SAYA! Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng mga mambabasa na sobrang cool at understanding! SHIYET. Ayokong mawala kayo sa buhay ko! Drama ko ba ahaha xD. Tangina talaga kasi sobrang babait talaga ninyo. KAYONG LAHAT :D. SUPER DUPER THE BEST TALAGA KAYO! Pangako, gagalingan ko pa ang plot nito to your heart's contentment :). Dedicated to @xailer :D. Haha! Galit na galit talaga siya sa Glen ko :3

Rein's POV 

" Clarein "Rein" Chavez!" sigaw ng isang lalaki sa likod ko. Hindi na ako magtataka kung kaninong boses iyon.

" Elton?" at lumingon ako sa kanya. Pansin ko ang butil-butil na pawis sa kanyang noo at ang basa niyang itim na tshirt. "Nako, basa ka na sa pawis. Magpalit ka nga!"

Ngumiti lang siya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko. Nagtaka ako kung bakit, pero ramdam kong merong kakaiba. 

" Pasensya ka na pala kahapon. Kailangan kasi talaga naming itago ang identity namin. Gusto talaga kitang kausapin noong time na 'yon pero hindi ko magawa dahil baka may manggulo sa iyo at malalaman nila kung sino kami," explain niya. I smiled at him and hold his hand tightly. Nagulat siya saglit at tumingin sa aking mga mata.

" Naintindihan ko naman iyon. Tsaka, no big deal. Friends naman tayo," I said.

Hindi siya nakapagsalita agad. I think 5 seconds ang lumipas bago niya ako sinagot. "Y-Yeah. Friends."

I let go of his hand and started walking away from him. Marami pa kasi akong kailangang gawin. Pero hindi pa ata ako pinapayagang umalis dahil hinila ulit niya ang kamay ko. "Bakit, Elton?" tanong ko.

He sighed deeply and made a smile that doesn't crinkled his deep eyes. "Please, come with me. Just, today."

Nag-aalinlangan akong sumagot. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kailangan ko pa kasing makipagkita ngayon sa attorney ni Glen. Hanggat hindi pa nasosolve ang issue ni Eliz, hindi ako matatahimik.

Pero ganito talaga siguro. Kaibigan ko kasi siya. 

" Okay." And we started walking away.

Nandito kami sa may court ng school. Bukod sa gym, dito pumupunta ang ibang estudyante para gumawa ng mga drills and experimentations. Hindi ko alam kung weird lang talaga ako, pero iba kasi ang mukha ngayon ni Elton. Hindi lumalabas ang killer dimples niya atsaka kanina ko pa pansin na nanginginig ang panga niya. 

" Elton," tawag ko sa kanya, "ayos ka lang ba?" tanong ko. Lumingon naman siya sa akin ng nakangiti at tumango.

" O-Oo naman. Bakit mo naman natanong?" habang pabilis ng pabilis ang kanyang mga hakbang.

" Wala lang naman. Para lang kasi," sagot ko na lamang. Nakaka-ilang. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya na dapat kong isipin. 

Halos lakad-takbo na ang ginagawa ko dahil sa bilis ng mga hakbang niya. Tuwing tumatakbo ako, parang mas lalo pa siyang bumibilis kaysa mahabol ko siya. Hinawakan ko ang kanyang mga kamay at sinubukan siyang pigilan. Tumigil naman siya at tumingin sa gawi ko. Pansin ko ang kakaibang aura niya.

" Elton," sabay hingal ko. "Ano bang problema? Atsaka, saan ba talaga tayo tutungo?" hinawakan ko ang bandang batok ko.

Bumuntong-hininga siya at ngumiti, pero pansin kong hindi puno ng lungkot. "Pasensya na, Rein. Kinakabahan kasi talaga ako. Baka kasi ay--" 

" Ano nga ba kasi iyon? Binibigyan na kita ng oras para kausapin mo ako. Pero kung patuloy lang tayo maglalakad at pupunta sa kawalan, sinasayang halos natin ang magdamag. Kaya, ngayon mismo, sabihin mo na sa akin ang gusto mong sabihin," suhestyon ko. Naglipat-lipat sa gilid ang mga mata niya. Kita ko ang takot dito.

His Wife Is SixteenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon