Kabanata 1
Long distance call8 YEARS LATER
"Ibalik mo iyan."
Utos ko sa secretary kong si Laila habang abala akong nagtitipa sa laptop.
Mula sa peripheral vision ko ay natanaw ko siyang kinuha ang folder na tinutukoy ko. Naroon iyon sa left side ng table ko.
"I will not approve that. I gave her enough time, wag niya kamong minamadali ang trabaho niya" dagdag ko pa.
"Y-Yes, ma'am."
Saglit akong tumigil sa pagtatype at nag-angat ng tingin kay Laila na binuksan ang folder, sinisipat niya iyon ng tingin habang napapailing-iling.
Muli ay bumalik ang tingin ko sa laptop ko at nagpatuloy sa pagtipa.
"Pakisabi kay Luigi na kailangan ko na iyong logo na ipinagagawa ko sa kanya kahapon, send it to my email. Daanan mo rin si Tricia, gusto ko siyang makausap."
Napakaraming ginagawa nitong mga nakaraang araw. Mas lalo akong naging abala and stress at the same time.
Hindi ko alam kung ano ang susunod na mangyayari sa oras na ilipat na ni senyor Germino Rusca, sa anak niya ang pamamahala ng Rusca group of company. Iyon ang anunsyo niya nang magpatawag siya ng meeting last week.
I have never heard about his son, the last time I saw him was seven or eight years ago. Pero hanggang ngayon, malinaw pa rin sa ala-ala ko ang pares ng itim na itim nitong mga mata, para bang napakaraming sikretong nakakubli sa mga iyon.
Yes, Germino Rusca's son is very mysterious. Kahit si google ay hindi alam ang tungkol sa kanya. Lagi lang nakaindicate sa information ni Germino Rusca na may nag-iisa itong anak na lalaki.
Hindi itinago o idineny ng business magnate na may anak ito. Ngunit itinago nito sa marami ang tungkol dito, na kahit kaming mga empleyado ay walang ideya kung sino nga ba ito.
Naaalala ko na Jem ang pangalang ibinigay ng guard sa amin noon, nang tanungin ni Laureng ang pangalan nito. But I doubt that it's his real name.
"Ah, ma'am ipapaalala ko lang po na may meeting po kayo mamayang, six pm."
Tumango ako. "I got it, Laila. Thank you."
Paglabas ng secretary ko ay tumigil ako sa pagtatype sa laptop, hinubad ko ang eyeglass kong suot at napahilot ako sa aking sentido.
Apat na taon na nang makatapos ako ng pag-aaral sa kursong business management, major in marketing. Agad akong natanggap dito sa RGOC nang mag-apply ako, lalo na at priority daw ng kumpanya ang mga Ashralkan. Sa apat na taon ko rito ay hindi ko akalain na magiging marketing manager agad ako. Balewala kasi sa akin noon ang magkaroon ng mataas na posisyon, what matter to me is, I need to get a job to earn money. Ganoon lang kababaw ang goal ko. But things happen when you least expect it.
Isinandig ko ang likod ko sa executive chair na inuupuan ko. Huminga ako ng malalim at nang muling dumilat ay napatingin ako sa family picture namin na nasa frame, sa tabi ng pen holder na nasa right side.
Kinuha ko ang frame at pinakatitigan ang family picture namin.
I was only ten years old at the picture, Mary was seven. Nakaupo ang mama at papa, kami naman ni Mary ay nasa likod nila. We're all smiling brightly like there's a beautiful promise of tomorrow. Pero ang hindi namin akalain, iyon na pala ang huling larawan naming buo.
Matagal ng patay ang mama ngunit habang lumilipas ang panahon at nadadagdagan ang edad ko, parang unti-unti rin nananariwa ang lahat sa akin.
Maybe because of this lonesome feeling.
BINABASA MO ANG
Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4)
General FictionHiniling ni Marie Louise Buenaflor na magkaroon ng kapatid at dininig naman ang hiling niyang iyon nang magtatlong taong gulang siya at manganak muli ng isang babae ang kanyang ina. She loves her younger sister Mary Antonette, more than anything, wh...