Kabanata 8
ConfusingOlive-green wrap dress ang isinuot ko, hanggang tuhod ang haba. Side braid ang ayos ng buhok ko. Naglagay din ako ng light make-up, isinuot ang aking beige gladiator sandals at saka isinabit sa balikat ko ang aking rattan sling bang, bago ako lumabas ng room ko.
Sa baba nang hagdan ay natanaw ko agad doon si Jeremiah, nasa tabi siya ng indoor plant. Nakahalukipkip at sumisipol, habang nakasandal sa pader. He's wearing a denim long-sleeve, as usual ay nakatiklop ang manggas 'non hanggang siko at nakatuck-in ang laylayan sa brown khaki pants na may itim na sinturon. I can see the same Dr. Martens boots he wore when we visited their mansion.
"Mary's not yet here?" tanong ko na nagpalingon naman sa kanya.
Muli kong naramdaman ang paggapang ng init sa pisngi ko, nang mapansin ko ang paghagod niya ng tingin sa akin, while his mouth slighty open. Instead of answering my question, he just quietly staring at me with adoration, in his beautiful but dangerous pair of dark eyes.
Tumikhim ako upang putulin ang paninitig niya sa akin. Umipekto naman iyon, nakita ko pa nga ang paglunok at pag-igting ng kanyang mga panga. Hanggang sa malampasan ko siya.
Mabuti na lang at pagbaba ko ay sumunod na rin agad sa akin si Mary.
Sakay ng asul na jeep wrangler ni Jeremiah. Tinahak namin ang lubak na daan patungo sa East woods lake.
Ito ang bahagi ng Katibangahan na hanggang ngayon ay hindi pa nahahaluan ng modernisasyon. Kumpara kasi sa ilang bahagi ng Katibangahan, ang ilang daan sa labas ng subdivision ay sementado na. Ang ilan, hindi man sementado ay patag ang daan at may mga nagkalat na poste sa paligid.
Sa bahaging ito na kasalukuyang tinatahak namin ay wala akong nakikitang mga poste. Tanging mga matataas lamang na talahiban. Wala rin akong nakikitang mga bahay o establismyento.
May ilan kaming nasasalubong na sasakyan. Mga owner type jeep, tricyle at motor na may mga angkat na kung ano.
"Jeremiah, diba ang sabi mo ay nakakahuli ka rin ng isda sa lake?" tanong ni Mary na nasa mukha ang pananabik.
"Oo. At inuulam ko iyon pag-uwi. Masarap kainin ang isdang pinaghirapan mong hulihin. Kahit gaano pa kaliit iyon." nakangiting sabi naman ni Jeremiah nang tignan ko siya sa rear-view mirror.
"Excited na ako!"
"Pero wag kang mag expect na may mahuhuli ka. Hindi madaling manghuli ng isda sa lake, huling beses na nangisda ako ay nahirapan ako. Lalo na siguro ngayon, hindi ko alam kung marami pa bang isda ang nabubuhay doon."
Makapigil hininga ang sumunod na daang tinahak namin. May kakitiran ang daan. Ang akala ko nga'y hindi magkakasya ang sasakyan ni Jeremiah, napapalibutan kasi ng mga punong may mga mahahabang baging at sanga ang paligid. Sumasayad ang mga iyon sa sasakyan. Lubak din ang mga daan dahil sa mga nakausling malalaking tipak ng bato. We're like slipping through the needle hole.
After crossing the woods for like ten or fifteen minutes. We've finally reached our destination.
Sa itaas ng nakabukas na black wrought iron gate ay nakasabit ang wood signage na may nakacarve na 'East Woods Lake' painted in yellow.
Marahang ipinasok ni Jeremiah ang jeep wrangler niya sa malawak na paradahan. Maririnig pa nga ang pagdaan ng gulong sa mga graba na nakalatag sa lapag.
Napapalibutan ng mga puno ang buong paligid. Mga punong may mga mahahabang baging, katulad ng mga puno na nadaanan namin kanina.
Marami rin akong nakikitang puno ng Bougainvillea na ang bulaklak ay karaniwalang kulay rosas. Napakagandang pagmasdan ng mga ito.

BINABASA MO ANG
Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4)
General FictionHiniling ni Marie Louise Buenaflor na magkaroon ng kapatid at dininig naman ang hiling niyang iyon nang magtatlong taong gulang siya at manganak muli ng isang babae ang kanyang ina. She loves her younger sister Mary Antonette, more than anything, wh...