Kabanata 4

486 31 5
                                    

Kabanata 4
Does he know?



"Bakit hindi ninyo kasama si Inocencio at ang mapapangasawa mo, Mary? Marami pa naman akong niluto dahil ang akala ko'y apat kayong uuwi rito." ani manang Carlota na katabi si mang Andoy, nakaupo sila sa tapat namin at kasalo sila ngayon sa tanghalian. 

"Magkasabay po ang papa at si Jeremiah. Baka mamayang hapon pa ang dating nila. May importante rin daw kasi silang pag-uusapan." sagot ni Mary.

Ano nga kayang pag-uusapan ng papa at ni Jeremiah? I have an idea that maybe they're planning something for my sister. Besides, they are the two main guy of Mary's life, they both wants to make my sister happy.

But if they're planning something isn't it too obvious?

Nilingon ko si Mary. She's so unbothered. Does she know that our father and Jeremiah had plan for her?

"Nasasabik na talaga akong makita iyang si Jeremiah. Gusto kong matiyak na liligaya ka ngang talaga sa lalaking iyon, Mary." ani manang Carlota.

"Mabuting tao si Jeremiah, magugustuhan niyo siya." pagmamalaki naman ng  kapatid ko.

Kahit ako ay hindi na rin makapaghintay na makilala si Jeremiah.

Nagpatuloy ang kwentuhan ni Mary at manang Carlota, halos silang dalawa lang ang bumuo ng conversation habang kumakain kami. Si mang Andoy ay agad na natapos sa pagkain niya at kasalukuyan na itong nasa labas, ako naman ay tahimik lang na nakikinig sa dalawang nag-uusap. 

Mas malapit talaga sa isat-isa si manang Carlota at Mary. Sa katunayan nga, lahat ng mga tao rito sa bahay noon ay mas nakatuon ang atensyon sa bunso kong kapatid. Napapansin lang nila ako kapag pinagagalitan na ako ng papa o kapag may mali na akong nagagawa.

Muli ay bumalik sa ala-ala ko ang gabing umuwi ako ng bahay at naabutang ipinapasok sa ambulansya si Mary.

"Umuwi ka na, Laureng. Salamat sa paghatid."

"Ano ba ang nangyari kay Mary?" nag-aalalang tanong niya sa akin.

"I don't know. I'll tell you tomorrow."

Tumango siya sa akin at saka dahan-dahang naglakad palayo ng gate namin.

Bago pumasok si Laureng sa sasakyan nila ay nilingon niya pa ulit ako.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay pabagsak akong naupo sa settee at frustrated na hinilamos ang mga palad ko sa aking mukha.

"Ang sabi ko naman sa iyo ay umuwi ka ng maaga. Ayan at naabutan ka tuloy ng papa mo at siguradong malalagot din kami kay Inocencio."

Nag-angat ako ng tingin at apologetic na tinignan ko si manang. "Sorry po. Ano po ba ang nangyari kay Mary?"

"Inatake ng asthma ang kapatid mo at hindi niya mahanap ang nebulizer niya kanina. Ikaw daw kasi ang nakakaalam kung nasaan iyon dahil ikaw ang nagtabi.

Kinagat ko ang ibaba kong labi nang maalala kong  itinabi ko ang nebulizer sa drawer ng study table niya.

"I told her to call me if there's anything happens here."

"Paano ka ngang tatawagan ng kapatid mo, eh sumisikip na nga ang paghinga. At saka, bago ka umalis ay napapansin ko na ang pamumutla ni Mary. Nang tanungin ko siya ay sinabi niyang nahihilo siya at saka nagpaalam na siyang magpapahinga."

Nahabag ako para sa kapatid ko. Marahil ay hindi pa ako nakakaalis ay may nararamdaman na siya. Hindi lang niya siguro sinasabi sa akin dahil ayaw niya akong mag-alala at mapurnada sa lakad ko.

Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon