PROLOGUE
"This is beautiful, papa! Thank you so much!"
I feel like my heart is being squeezed. Nasa harap ko ang papa at ang nakababatang kapatid ko na si Mary. Mahigpit na nagyakap ang dalawa and Mary showered our father with little kisses on his face.
Tuwang-tuwa naman ang papa sa paglalambing sa kanya ng bunso kong kapatid.
"Natutuwa ako at nagustuhan mo. Nang makita ko iyan ay ikaw agad ang naalala ko, kaya binili ko na. Nakita ko kasing tinititigan mo iyan kahapon sa window ng shop na nasa tapat ng bookstore." Nakapamaywang na sabi ni papa. Hindi mawala-wala ang ngiti niya habang naaaliw na nakatingin kay Mary. My sister is smiling from ear to ear, paikot-ikot habang hawak ang kanyang bagong bestida.
"May magagamit na naman po akong pang samba. Salamat po ulit, papa!" dagdag pa ni Mary.
Satisfying smile draw on my father's lips as he ruffled my sister's hair.
Kunwaring wala akong pakialam sa kanila, hindi rin naman kasi nila ako pinapansin kahit na narito lamang din ako sa sala at nakaupo sa settee. Ganoon naman parati. Pakiramdam ko invisible ako. Nakikita lang ako ng papa kapag may mga kapalpakan akong ginagawa. Puro mali ko lang ang napupuna niya.
Sa aming dalawang magkapatid. Mary is his good daughter and I'm the opposite.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin sa dalawa nang lingunin ako ni Mary. Ayokong makita niya sa mga mata ko na nagseselos ako dahil may bago siyang dress. But deep inside, that's what I really felt.
"Papa, bakit po pala ako lang ang binilhan niyo ng bagong bestida? Bakit hindi niyo po binilhan din si ate Marie?"
Muling nanikip ang dibdib ko sa tanong na iyon ng kapatid ko. Because you are his favorite.
"Marami ng damit ang ate Marie mo. Right, Marie?" Nilingon ako ni papa.
"Yah." walang kagana-ganang sagot ko naman habang nakatukod ang siko ko sa armrest ng settee. Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa tv.
Kunwaring nakatutok sa pinanonood kong movie, pero ang totoo ay wala roon ang isip ko.
"Manang!" Pagtawag ni papa sa pinakamatandang kasambahay namin.
"Sir?"
Mula sa kusina patungo rito sa sala ay nagmamadaling lumapit si manang Carlota. Ipinupunas pa niya ang dalawang kamay sa puting apron ng uniform niyang itim.
"Nakahanda na ba ang hapunan?"
"Hinahanda na po, sir." nakangiting sagot ng singkwenta anyos naming kasambahay.
"Magpapalit na muna ako at pagbaba ko ay kakain na kami ng mga bata."
"Sige po, sir."
Mabilis na nawala sa paningin ko si manang Carlota, nang lingunin ko naman si papa ay pumapanhik na siya sa hagdan.
Nang muli kaming maiwan ni Mary dito sa sala ay napabuntong hininga ako, sumandal sa settee at saka humalukipkip.
"Ate, you can barrow this dress if you want." masiglang sabi ni Mary.
Tumaas naman ang isa kong kilay at nilingon siya at saka pinasadahan ng tingin ang kanyang bestida.
It's a princess cut, short dress. May vertical striped na white and gray ang kulay, hanggang tuhod niya ang haba, walang manggas kaya siguradong maeexpose ang maputing balikat ng kapatid ko roon at ang laylayan ng bestida ay may dalawang ruffled layer.
BINABASA MO ANG
Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4)
General FictionHiniling ni Marie Louise Buenaflor na magkaroon ng kapatid at dininig naman ang hiling niyang iyon nang magtatlong taong gulang siya at manganak muli ng isang babae ang kanyang ina. She loves her younger sister Mary Antonette, more than anything, wh...