Kabanata 3
Welcome homeHabang kumakain kami ay tahimik kong pinagmasdan ang papa at si Mary. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko na ulit sila ngayon. Ganado ang papa sa pagkain, ngunit hindi si Mary na ang mga mata ay halos pipikit na.
"Why are you looking at me like that, ate?" Amused na tanong niya sa akin nang mahuli niya akong nakatingin sa kanya.
I gently smiled on her. "You look so sleepy."
Humikab siya, agad naman niyang itinakip ang palad niya sa kanyang bibig. "I really am. Gusto ko na ngang ihiga ang katawan ko sa malambot na kama. My body feel so heavy because of the jetlag."
"Hindi bale, nakapagpareserved na ako rito ng dalawang room para sa inyo ng papa. We can check it now if you want."
Napatigil si Mary sa pagsubo ng side dish at nanatili sa ere ang kutsara niya. Suprised and worriedness appeared on her face. Napansin ko na nilingon niya pa nga ang papa at nagtinginan ang mga ito na para bang may alam silang hindi ko alam.
Ilang saglit lang ay muling sumulyap si Mary sa akin. Ibinaba niya ang kanyang kutsara sa plato at alanganin akong nginitian.
"I forgot to tell you that we will be staying at Jeremiah's place, ate." Mary said apologetically.
Oh. That is what makes her look worried.
"Pero nakakahiya naman kung ikakansela mo ang reservation mo rito." Napalingon ako kay papa na ngumunguya pa nang sabihin iyon. "Nakakahiya rin naman kay Jeremiah kung sa bahay niya kami tutuloy, kaya okay na rin sa akin na rito na lang sa hotel mag stay." dagdag pa ng papa.
Muli ko namang ibinalik ang tingin ko kay Mary, waiting for her decision.
"Alright. I'll stay there too." aniya bago muling sumubo ng side dish.
Bago pa bumyahe si Mary at ang Papa pauwi rito sa pinas ay nasabi na sa akin ng kapatid ko na abala sa trabaho ang fiancé niya at hindi raw sila masusundo nito, pero magpapadala ito ng susundo sa kanila upang ihatid sila sa bahay nito sa forbes park.
Pero dahil naaprobahan na nga ang hiningi kong leave ay nag-offer ako kay Mary na ako na ang susundo sa kanila sa airport.
Mali ko rin dahil nagdesisyon agad ako na ireserved sila ng hotel room ng hindi ko inaalam ang plano ni Mary at ng papa.
Nahihiya tuloy ako na baka nasira ko na ang plano ng fiancé ni Mary, kung mayroon man nga itong plano, while papa at Mary staying on his place.
"H-Hindi ba magtatampo ang fiancé mo kung hindi kayo tutuloy sa bahay niya?" bothered kong tanong. "Ayokong mag mukhang masama sa kanya, Mary. Baka isipin niyang----"
"It's fine, ate." Mary quickly said while giving me assurance smile. "He's very understanding and it's not even a big deal. So, don't bother."
"Ano ba ang plano ni Jeremiah? Makakasama ba natin siyang umuwi ng Ashralka bukas?" tanong naman ng papa kay Mary.
"Hindi ko pa po alam, papa. But I'll call him later."
Pagkatapos naming kumain ay sinamahan ko ang papa at si Mary patungo sa hotel room nila. Naroon din ang bellboy na nakasunod sa amin habang tulak ang trolley cart na naglalaman ng mga luggages ni Mary at ng papa.
"Sige na po, papa. Magpahinga na kayo. Alam ko na napagod kayo sa byahe." sabi ko nang tignan niya kami na para bang nagpapaalam na siya nang nasa harap na siya ng hotel room niya.
Tipid naman akong nginitian ng papa, but his smile slowly faded when he turned to Mary with troubled on his face and then he pattted Mary's head, just like the old times.
BINABASA MO ANG
Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4)
General FictionHiniling ni Marie Louise Buenaflor na magkaroon ng kapatid at dininig naman ang hiling niyang iyon nang magtatlong taong gulang siya at manganak muli ng isang babae ang kanyang ina. She loves her younger sister Mary Antonette, more than anything, wh...