Kabanata 6

466 32 9
                                    

Kabanata 6
Liar

Nahihiyang umalis ako sa ibabaw ni Jeremiah. Nang makabawi ako mula sa paninigas ng buo kong katawang dumagan sa kanya. Matapos niya akong masalo nang mawalan ako ng kontrol kay Trooper at ilaglag ako nito.

"I'm fine. I'm supposed to be the one asking that." tugon ko sa tanong niya, habang tumatayo ako at pinapagpagan ang suot kong mid-rise bootcut jeans.

Gusto ko sanang iabot ang kamay ko kay Jeremiah upang tulungan itong tumayo, pero  wala akong lakas ng loob na gawin iyon. Hiyang-hiya pa rin ako sa kanya.

Bakit ba naman kasi kung gaano ko kagustong umiwas kay Jeremiah ay mas lalo lang kaming pinaglalapit?

Nang mag angat ako ng tingin ay nakatayo na rin naman siya at pinapagpagan ang kanyang pantalon.

"Nagkamali akong pinagamit ko sa iyo si Trooper. I'm sorry." He said apologetically as he put his hand on the back of his nape. "Nagpapasikat siya kapag may ibang tao na sumasakay sa kanya, but he sometimes can't control himself. Are you really sure you're alright? Walang masakit sa iyo?"

Nag-init ang pisngi ko sa nakita kong pag-aalala sa mukha ni Jeremiah at hindi ko rin maiwasan ang muling pagligalig ng puso ko.

"O-Okay lang talaga ako. Salamat." sagot ko habang pabaling-baling ang tingin ko sa kung saan.

Iniiwasan ko na magtagpo ang mga mata namin ni Jeremiah dahil natatakot ako na mabasa niya ang totoong damdaming nararamdaman ko ngayon, habang kasama ko siya.

Tumigil ako sa pagbaling sa kung saan saan nang mapako ang tingin ko kay Pegasus. Ang puting kabayong sinakyan ni Jeremiah. Ilang metro ang layo 'non mula rito sa kinaroroonan namin at kasalukuyang kumakain ng damo ang kabayo.

Siguro ay bumaba agad si Jeremaih kay Pegasus, bago pa iangat ni Trooper ang mga paa nito sa lupa. Pagkatapos ay mabilis na niya akong tinakbo rito, kaya nang ilaglag ako ni Trooper ay saktong nasa likod ko na siya at nakaabang na upang saluhin ako.

"Sana ay hindi maging dahilan ang experience na ito para matakot kang sumakay muli ng kabayo." ani Jeremiah.

"It's not that terrible. I still like to ride a horse. But---" I don't think I can still ride on Trooper.

Kinagat ko ang ibaba kong labi at nag-angat ng tingin kay Jeremiah.

I saw the left corner of his lips moved upward. "Come on, let's go back. Sumakay ka na lang kay Pegasus." yaya niya sa akin.





Katulad ng sinabi ni Jeremiah. Ako ang sumakay kay Pegasus at siya naman ang sumakay kay Trooper. Marahan lang na lumalakad ngayon ang dalawang stallion at bahagya lang nauuna si Pegasus kay Trooper.

Walang nagsasalita sa amin ni Jeremiah. Ang tanging ingay lamang na maririnig ay ang mga yabag ng mga kabayo at ang mga ibon na tila nag-aawitan, habang malayang lumilipad sa himpapawid. It's so peaceful but I feel heavy because of Jeremiah's presence.

"There is a wishing well not that far in here. Nakikita mo ang mga puno ng niyog na iyon?" Inginuso ni Jeremiah ang hilera ng mga coconut tree sa parteng hilaga.

"Nasa likod niyan ang wishing well and you will love the view right there. Wanna come?" Excitement ang nahihimigan ko mula sa pangyayayang iyon ni Jeremiah.

"I-Isama natin si Mary. She will also love to come, for sure!"

Tumango si Jeremiah at tipid na ngumiti.





Malayo pa lang ay natatanaw na namin si Mary sa ilalim ng matandang puno kung saan siya iniwan ni Jeremiah kanina. She was standing there looking on us but and there's worry in her eyes.

Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon