Kabanata 2

551 29 4
                                    

Kabanata 2
Approved


"Have a nice vacation."

Tipid na ngiti ang itinugon ko kay Zoren bago ako lumabas sa opisina niya.

Pagkatapos ko kasing malaman na na approved ang nirequest kong thirty days leave of absence ay agad ko siyang ininformed dahil siya ang marketing director and we have a lot of associated responsibilities in the company.

Ibinahagi ko sa kanya ang desisyon ko na ibilin kay Laila ang lahat habang wala ako, si Laila kasi ang higit na pinagkakatiwalaan ko at siyang nakakaalam ng mga ginagawa ko, bilang secretary ko. Nagkasundo rin kami ni Zoren na kung magkakaproblema man si Laila sa iiiwan kong trabaho ay aalalayan at tutulungan niya ito.









"Babalitaan mo ako sa mga mangyayari rito, huh? Kung may mga bagay ka man na hindi maunawaan ay wag kang mahihiyang magtanong kay Zoren. Nakapag-usap na kami and he's willing to help you."

Nasa mukha ni Laila ang pag-aalala at takot, habang nakaupo siya sa swivel chair na nasa harap ng mesa ko. "Ma'am, b-baka hindi ko kayanin ang mga iiiwan niyong trabaho sa akin?" aniya.

Ang mga mata niya ay tila nakikiusap sa akin na wag ng ituloy ang plano kong paghahabilin ng mga trabaho ko sa kanya. Pero siya lang ang mapapagkatiwalaan ko. Wala na akong ibang naiisip na pwedeng pumalit sa akin. Ang suhestyon ko nga yatang iyon ang dahilan kung bakit naaprobahan agad ang nirequest kong leave. Isa pa ay ano naman ang magiging silbi ng pagiging secretary ni Laila kung wala naman ako? Kaya nga mabuti pang siya muna ang humalili sa akin.

"I know you can do it, Laila. Iniisip mo lang na hindi mo kaya." I look at her with reassurance.

"Hindi ko naman iiiwan ang trabaho ko sa iyo kung alam kong hindi mo iyon kaya. Tiwala ako sa kakayahan mo at tiwala rin ako na hindi ka pababayaan ni Zoren." I added.

Actually, kanina habang nag-uusap kami ni Zoren ay ito mismo ang nag insist ng tulong para kay Laila. If I know, Zoren has a thing for my secretary. Matagal ko ng napapansin na nagkakamabutihan ang dalawa, but I never ask Laila about it because I don't want to interfere her personal life. As for Zoren, he didn't directly told me about his feeling for Laila, but I saw how concerned he is to my secretary, when I told him that I want Laila to take over my job for awhile.

Ilang minutong walang imik si Laila. Nag-iisip ito, there's still a doubt on her face.

I let her think while I'm checking some emails on my laptop and out of the corner of my eyes, nakita ko ang marahas niyang pagbuntong-hininga.

"Ang totoo n'yan, natutuwa talaga ako na naisip mong magbakasyon, ma'am."

Inalis ko ang atensyon ko sa screen ng laptop. Nangalumbaba ako at itinuon ang buo kong atensyon ko kay Laila.

"Tuwing holidays ka lang nakakapag pahinga, parati mong isinusubsob ang sarili mo sa trabaho na para bang ikaw ang may ari ng kumpanyang ito." bahagya itong napangiti at ganoon din ako.

"Sana ay sulitin mo ang bakasyon mo, ma'am." dagdag niya pa.

Bahagyang ngumiti ako at saka tinanguan siya.

"Kailan nga ulit ang kasal ng kapatid niyo?" tanong ni Laila na mukhang tanggap na ng maluwag ang iniaatang kong trabaho sa kanya.

Saglit naman akong napaisip. Mary didn't exactly told me when will be the wedding.

"Hindi ko rin alam kung kailan, basta ang sabi ng kapatid ko ay limang buwan ang preparation nila sa kasal."

Kumunot ang noo ni Laila. "Oh! So, kulang ang hiningi mong bakasyon, ma'am?"

Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon