Kabanata 7

454 26 6
                                    

Kabanata 7
Stay

"A-And what made you assume that?" pasinghal kong tanong kay Jeremiah habang sinusundan ko siyang maglakad. "You're my sister's fiancé. Anong gusto mong gawin ko? Makipagtitigan sa iyo? Hindi yata tama iyon, baka kung anong isipin ng mga tao sa akin. At saka---"

I heard him chuckled. "Iyon ang unang pumasok sa isip ko." aniya nang hindi ako nililingon. Ibinaba niya pa ang kanyang mga braso na nasa likod ng kanyang ulo at ipinamulsa ang mga iyon.

"Masyado yatang mataas ang tingin mo sa sarili, Mr. Rusca? Yes, you're a rich man. May maipagmamalaki ka ngang talaga, but that doesn't mean that any girls could fall in-love with you!"

Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako.

Napahinto rin ako at umatras ng kaunti. Sa tantya ko'y isang metro ang layo naming dalawa.

"You don't have to be defensive, Marie." he turned around to face me. "Sorry for my assumption. Forget it."

Muli siyang tumalikod at naglakad palayo sa akin.

Bakit nga ba kasi masyado akong naging defensive? Sana'y hindi na lang ako nagpaapekto ng masyado sa sinabi niya. Hindi na lang sana ako umimik at pinagsawalang bahala na lang iyon.

Pero kung mananahimik na man ako ay baka isipin niyang totoo ang sinabi niya. Kung sabagay ay tama naman talaga siya.

Hindi ko man aminin, natatakot talaga ako na mahulog sa kanya. Bakit hindi, magiging asawa siya ng kapatid ko. And falling in love to my sister's fiancé is a sin, that could be the worst thing I will ever did.

While the sun going down. The fields of green turn gold and the slow process of sunset turned the sky into a vivid orange and pink in hue.

I can already smell the cold night, drive by the tender breeze that sweep along to my skin, while we were on our way back to the mansion.

It's been a long time since I witness this surreal sunset.

Nang lingunin ko si Jeremaih ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin. He didn't even try to look away that I'll probably did if he's the one who caught me staring on him.

"I hope you had fun." he said.

"I did. I enjoyed the view. You have a wonderful place, Jeremiah."

"Do you like it here?"

"I love it." tipid ko siyang nginitian at saka pinabilis ko ang pagpapatakbo kay Pegasus.


Pagbalik namin sa mansyon ay naabutan namin na nagkukwentuhan sa sala si Mary, senyora Jairah at si papa.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, Mary?" bungad na tanong ni Jeremiah.

"I feel great!" ani Mary.

"Ang sabi ni Dr. De Guzman ay na overfatigue lang daw si Mary."

Kumunot ang noo ko sa sinabi ng papa.

Hindi ko alam kung bakit ayokong paniwalaan na overfatigue lang ang cause ng paninikip ng dibdib ni Mary kanina. Mas paniniwalaan ko pang inatake siya ng asthma dahil dati na siyang mayroon 'non.

"Hindi asthma iyon?" tanong ko.

Nakangiti namang umiling ang kapatid ko.

Noong bata pa si Mary ay may hika na siya. Pero ang sabi ng papa sa akin ay nawala na raw iyon. Huling beses na inatake si Mary ng hika niya ay noong gabing nagpunta ako sa isang party. I don't know if her asthma completely gone. I'm still worried for her health, napapansin ko kasi na iba ang kulay niya. Maputi si Mary but her skin is so pale, parang walang dugo.

Wild Lonesome Beauty (Ashralka Heirs Series #4) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon