True Love

5K 116 0
                                    

flashback

.

.

.

.

nagising ako ng umagang iyon na masakit ang ulo ko. siguro dahil hindi ako nakatulog na maayos dala na rin ng pag-iisip ko sa nakita ko. hindi ko alam kung bakit hindi ko nagawang komprontahin si bang, siguro dahil sobrang mahal ko siya, at takot ako. takot ako na mawala siya sa kin. 

.

mahal na mahal ko si bang. i could never imagine a life without her. nakaplano na ang buhay ko na kasama siya.

.

mula ng makilala ko siya ng minsang magkabunggo kami sa jollibee. at dahil punuan ng oras na iyon, nagshare na kami ng table at doon nagsimula ang lahat.

.

naalala ko pa ng ipakilala niya ako sa mga kaibigan niya bilang girlfriend niya. kung gaano niya ako napasaya sa simpleng yun, dahil hindi niya ko kinakahiya.

.

kung paanong nagdesisyon kami na ituloy niya ang pag-aaral niya. natigil siya sa pag-aaral dahil sa namatay sa aksidente ang mga magulang nya at walang susuporta sa pag-aaral nya. at dahil pangarap nya ang maging teacher, nagdesisyon kami na ituloy ang nasimulan niya tutal dalawang taon na lang at makakatapos na siya.

.

maraming nagkakagusto sakin. hindi ko alam kung bakit. mahirap lang naman ako. walang pera. swerte nga at nakapasok pa ko bilang school bus driver, palibhasa at mabait din ako kaya pumayag sila kahit pa ganito ang sexual preference ko.

.

at hindi rin lingid sa kaalaman ko kung gaano karami ang nahuhumaling sa kagandahan ni bang, pero sa kabila ng lahat, ako ang pinili niya. dahil sabi nya ako ang mahal niya, pero ano ang ibig sabihin ng nakita ko.

.

nahawakan ko ang ulo ko dahil biglang sumakit ang ulo ko sa pag-iisip. 

bang: mahal ko?..

.

iminulat ko ang mata ko at nakita ko ang babaeng pinakamamahal ko. nakatayo sa harap ko. bakas sa mukha niya ang pag-aalala.

bang: anong masakit sayo?

,

pero imbes na sagutin ang tanong nya ay iba ang sagot ko.

aly: di ba may pasok ka ngayon? bat andito ka pa?

bang: hindi ako pumasok.

aly: bakit?

bang: hindi ako makakapagconcentrate sa school kung ganito tayo. alam kong may problema tayo, ayaw mo lang sabihin.

.

napabuga ako ng hangin pagkatapos kong marinig ang sinabi ni bang, kinuha ko ang isang stick ng marlboro sa drawer, isinubo iyon sa bibig ko at saka sinindihan. hinithit buga ko ang usok mula doon. 

.

agad naman lumapit si bang at kinuha ang sigarilyo at saka tinapakan.

aly: ano bang problema mo?!

bang: ikaw ang anong problema mo?! kasi hindi ako manhid aly, alam ko may problema.

aly: tang-ina. dapat alam mo ang problema, nasa yo ang problema eh.

bang: anong ginawa ko? sabihin mo.

.

tinitigan ko muna siya bago ko tinungo ang pinto. akma kong hahawakan ang door knob ng maramdaman ko ang yakap niya sa bewang ko.

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon