ready or not

4.9K 108 1
                                    

den's POV

apat araw na lang at aalis na ako. babalik na ako ng america pero ang puso at utak ko ay ayaw pang umalis. 

.

bumabalik sa isipan ko ang eksena kung saan nakaakbay lang si aly sakin samantalang ako ay nakayakap sa kanya. walang usapan, walang kasunduan, walang kahit anong namamagitan sa amin pero pagkatapos ng eksenang iyon ay halos hindi na kami mapaghiwalay.

.

tuwing gabi ay papasok siya dito sa kwarto ko at dito matutulog habang nakayakap sakin, tulad ngayon, nakayakap siya sakin habang nakatalikod ako sa kanya at hawak ko ang kamay nya na nakayakap sakin. masaya na kami sa ganoon, pero somehow i want something more.

.

gusto kong masabi sa kanya na mahal ko siya at gusto kong marinig na sabihin din niya sa akin ang mga salitang iyon. pero tila wala akong lakas ng loob para ungkatin ang usaping iyon.

.

para bang narinig ni aly ang sinasabi ng utak ko, ang kaninang munting puwang sa likod ko at harap niya ay nawala dahil sa hinigpitan niya ang yakap sa akin. itinaas niya ang ulo niya at humalik sa pisngi ko.

aly: matulog ka na. may pupuntahan tayo bukas.

.

kaya naman humarap ako sa kanya.

den: anong sabi mo?

aly: sabi ko matulog ka na. maaga tayong aalis bukas.

den: saan tayo pupunta?

.

imbes na sumagot ay naramdaman ko ang halik ni aly sa noo ko saka siya nagsalita..

aly: kahit saan. basta magkasama tayo.

.

hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ni aly ay wala na akong pakialam. basta kasama ko siya, walang lugar na hindi ko maeenjoy.

.

niyakap ko siya ng mahigpit at isiniksik ang ulo ko sa dibdib niya.

.

.

.

.

.

.

LA: hey love! ang aga mong magising.

den: ah kasi may pupuntahan kami ni aly.

.

kita ko ang pagkunot ng noo ni LA. kakatapos lang niyang magjogging samantalang ako ay nakapaligo na at kakain na muna bago umalis.

LA: san kayo pupunta?

.

wala akong maisagot dahil hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta ni aly.

aly: ah sir, nagpapasama po kasi si maam den sa tagaytay. gusto daw niya magkape doon.

.

napangiti ako ng makita siya. napakagwapo niya sa suot niyang rubber shoes na puti, pantalon na maong at puting tshirt na pinatungan ng asul na polo. nakangiti siya sa pagsagip sakin kay LA dahil wala talaga akong isasagot.

LA: seriously love? magkakape ka lang, gusto mo pa sa tagaytay?

.

inilagay ko ang dalawa kong kamay sa bewang ni LA saka nagpacute.

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon