the announcement

4.6K 101 0
                                    

den's POV

kakaparada pa lang ng kotse ni aly sa garahe ng bahay ni LA ay nakita ko na si LA na nagmamadlaing lumapit sa amin. pinagbuksan ako ng pinto. pagbaba ko ay agad akong niyakap.

LA: i was worried love. nagtetext ako at tumatawag pero out of reach ang cellphone mo.

den: sorry. na dead batt ako eh.

LA: i told you to come home before dark.

den: nawala sa isip ko ang oras eh. nag enjoy ako sa mga tanawin sa tagaytay. grabe ang ganda ng mga views doon.

LA; im glad you did enjoy pero you need to get inside na. i have a surprise for you.

den: ano yun?

.

pagpasok pa lang sa living room ay nakita ko na ang mga kaibigan ko nung college at ibang mga kaibigan ni LA. andun din ang mga kasama ko sa print ad modelling dito sa pinas. merong ilang journalists na nakaupo kasama sa malawak na living room na bahay ni LA. nang ilibot ko pa ang tingin ko ay nakita ko si papa kasama ang mga magulang ni LA.

.

nagtataka akong tumingin kay LA na ngayon ay nakahawak sa bewang ko.

.

sinenyasan nya ang mga katulong at tumalima naman ang mga ito. nagserve ng wine sa mga bisita. maging ako ay inabutan ni LA ng isang kopita na may lamang wine.

den: para saan to?

.

bumulong na lang ako sa kanya dahil ayokong mapahiya sa mga taong andito. lahat sila nakatingin sa amin. binitawan ni LA ang bewang ko at saka nagsalita.

LA: pasensya na, hindi kami ready sa ganitong okasyon. sobrang biglaan kasi eh. pero hindi ko na mahihintay pa ang bukas para i-aanounce ang isang napakagandang balita. 

.

humawak ako sa likod ni LA. kinapitan ng kaunti ang suot nyang long sleeve

den: ano ba to? wala akong maintindihan.

LA: relax love. relax.

.

muling ibinaling ni LA ang tingin sa mga bisita

LA: alam niyo naman po na mahigit isang taon na ang relasyon namin ni den. kung tutuusin po ay sobrang bilis. pero ganun po talaga di ba pag nainlove? wala sa tagal o bilis ng relasyon.

.

LA: hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa. iniimbitahan ko po kayong lahat. two months from now, the girl beside me. miss dennise lazaro will be mrs revilla.

.

den: LA stop this.

.

pagalit pa rin akong bumulong sa kanya pero hindi niya ako pinansin.

LA: yes, ladies and gentlemen. this woman and i are getting married.

.

parang nablangko ang mundo ko ng oras na yon. wala akong  naririnig kundi ang sigawan at palakpakan ng mga taong kaharap namin ngayon.

.

hinawakan ni LA ang baba ko at hinalikan ako sa labi. nabigla ako kaya hindi ko na nagawang umiwas. pagkatapos ng halik na yon ay isa lang ang hinanap ng mata ko. at hindi naman ako nabigo. nakita ko siyang nakatingin lang ng diretso sa akin. at umalis na rin pagkaraan ng ilang saglit.

.

ako naman ay nilapitan ng mga bisita. may nakipagbeso-beso. meron din namang yumakap sa kin. pero wala sa kanila ang atensyon ko kundi sa babaeng nakikita ko ngayong tinungo ang pinto at lumabas. gusto ko siyang habulin pero hindi ko alam kung anong paliwanag ang pwede kong sabihin.        

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon