letting you go

5.4K 124 17
                                    

biglang pumatak ang isang luha mula sa aking mata. hindi ko nagugustuhan ang inaasal ni aly.

den: anong.. a-anong sinasabi mo?

.

ngumiti siya sakin sa pagitan ng mga luha niya. mapapait ang mga ngiting iyon.

den: please.. ano ba to?

aly: im sorry.

den: nakikipag break ka ba sakin?

aly: im sorry..

den: fuck aly! wala ka na bang ibang alam kundi sorry? wala ba akong makukuhang matinong rason sayo kung bakit mo biglang naisipang makipaghiwalay?!

.

huminga ng malalim si aly. sunod-sunod iyon. tila nag iipon siya ng lakas ng loob bago magsalita.

aly: isa lang akong simpleng driver ng makilala mo.

.

aly: isang ex-con na walang ibang alam na trabaho kundi mamaneho ng sasakyan ng iba.

.

aly: den, hindi ko hiniling sa Diyos na dumating ka sa buhay ko. kasi after bang, akala ko hindi na ko magmamahal pang muli..

.

aly: pero dumating ka. dumating ka at minahal mo ako sa kabila ng lahat.

.

aly: na kahit driver lang ako ng boyfriend mo, ako pa rin ang pinili mo.

.

aly: sobrang nagpapasalamat ako sa yo dahil don.

.

aly: akala ko wala ng katapusan. akala ko wala ng katapusan ang kasiyahan natin pero hindi pala.

.

wala ng tigil ang mga luha ko. hindi ko sila inuutusan pero kusa silang lumalabas mula sa mga mata ko. samantalang si aly ay nasa harap ko at nagsasalita.

aly: kasi mahirap lang ako.

den: stop..

aly: mahirap lang ako den.

den: i said stop.

aly: hindi ko kayang ibigay sayo ang luho mo, wala akong kotse para pwede kitang madala kahit saan mo gusto. wala akong magarang bahay na gugustuhing mong tambayan maghapon, at wala akong pera para mabusog ka sa bawat pagkakataon na kakain tayo.

den: bingi ka ba aly, sabi ko tumigil ka na!

.

sinisigawan ko na si aly pero parang wala siyang naririnig. patuloy lang siyang nagsasalita.

aly: wala akong ibang gusto kungdi ang maging masaya ka. hindi mo alam den kung gaano kasakit ang maikumpara sa ex. hindi mo alam kung gaano kasakit na sa twing titingnan kita, andoon ang alinlangan sa sarili ko kung napapasaya ba kita kahit alam kong hindi.

.

aly: hindi ko alam kung paano kita hahalikan para naman mapantayan ko si LA pagdating sa kama. 

.

aly: ang hirap makipagkompetensya sa isang taong alam kong ang layo ng agwat sakin sa lahat ng aspeto.

den: that's not true.

aly: yun ang totoo. sinabi mo yun.

den: nabigla lang ako.

aly: pero tinanggap ko lahat kasi alam ko, nararamdaman ko, ako ang mahal mo.

.

aly: pero wala na yatang mas sasakit pa ang marinig mula sa pinakamamahal mo na hindi ka niya kayang pakasalan dahil sa buhay na meron ka.

.

aly: sobrang sakit.

.

den: im sorry, hindi ko alam..

aly: kasi den, kahit kailan hindi kita ikinumpara kay bang..

.

aly: kasi hindi ako naghanap ng liban sa kaya mong gawin para sakin.

.

aly: at lalong hindi ako tumitingin sa yaman mo. dahil kaya kong kumayod para mabuhay.

.

aly: sorry kung sardinas o tuyo lang ang naipapaulam ko sayo, ang mahalaga naman hindi kita ginugutom di ba? pinapakain naman kita ng tatlong beses isang araw.

.

aly: sorry kung wala akong shower sa bahay o linya ng kuryente, yun lang ang kaya ko, atleast binabayaran ko naman yun at hindi hinihingi lang.

.

aly: akala ko magiging proud ka sakin.

.

nilapitan ko si aly at niyakap siya. hindi ko na makayanan ang mga sinasabi niya. dahil bawat salita niya, kumukurot sa puso ko..

den: tama na aly. sorry sa lahat.

.

aly: im letting you go den.

.

tumingala ako para tingnan siya pero diretso siyang nakatingin sa harapan niya kaya nilingon ko kung ano ang meron sa harapan niya.

.

hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi ng makita ko kung sino ang nakatayo sa dilim.

???: den

.

tumingin ako kay aly..

den: ano to? bakit siya andito?

aly: bumalik ka na sa kanya.

.

walang ekspresyon ang boses na yun. napakalamig tila boses na yari sa yelo.

den: ayoko. gusto ko sayo lang ako.

aly: wag mo na kong pahirapan pa den.

.

at nagsimula siyang alisin ang mga kamay ko mula sa pagkakayakap sa kanya.

den: please aly, please.. wag ganito. pag usapan natin to.

aly: i cant make you happy.

den: sayo ko masaya.

aly: hindi ka magiging masaya. laging may kulang. lagi kang may masasabi.

.

at ng mapagtagumpayan niyang maalis ang kamay ko ay mahinang itinulak niya ko dahilan para mabuwal ako at mapaupo sa lupa.

aly: mahal kita kaya pinapakawalan na kita.

.

tumalikod na si aly saka siya nagsimulang maglakad palayo sa lugar na yon. sinubukan kong tumayo pero pinigilan ako ng taong nakatayo kanina sa harapan ni aly.

???: tama na den. sumama ka na sakin

den: layuan mo ko! ayoko sayo LA!

LA: kinausap na ko ni aly. at sinabi niyang kahit anong mangyari, wag na kitang ibabalik sa kanya. please den.

.

sinampal ko si LA. habang umiiyak ay nagsalita ako/

den: bingi ka ba? sabi ko ayoko sa yo! gusto ko si aly! siya ang mahal ko.

LA: you loved me then, youll learn to love me again. hayaan na natin si aly, nagparaya na siya.

.

at ng lingunin ko si aly ay hindi na siya mahagilap ng mga mata ko. tila nilamon na siya ng dilim. at ang tanging nagawa ko nalang ay umiyak habang yakap pa din ako ni LA.

LA: sssshhh, youll be fine..

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon