the twist

9.6K 196 87
                                    

aly's POV

tatlong buwan.

.

tatlong buwan na ang nakakaraan ng magpasya akong pakawalan si den.

.

iyon na ang pinakamahirap ng desisyon na ginawa ko buong buhay ko. halos araw-araw akong umiiyak. kaya ng dumating ang magandang balita na makakaalis na ako papuntang china ay hindi na ko nagpatumpik tumpik pa at tinanggap ang alok ng mabait naming foreman. alam niya ang nangyari sa amin ni denden, at sinabi niya na mas makakatulong sakin kung aalis muna ako para makalimot.

.

tiningnan ko ang picture ni denden na nasa kamay ko ngayon. hinagkan ko iyon. kumawala sa aking mga mata aang isang luha. saka ko binitawan ito at hinayaang maanod ng bawat hampas ng dagat sa dalampasigan.

.

tiningnan ko pa iyon hanggang sa lumubog na ito sa tubig bago ako nagpasyang umalis sa lugar na iyon.

.

day off ko ngayon. malaki-laki rin ang kinikita ko dito sa china. apat na beses ang laki sa kinikita ko sa pilipinas. tagalinis ako ng salamin ng isang mataas na building doon.

.

kung tutuusin ay napakadelikado ng trabahong iyon para sakin, pero pinaghusayan kong lalo ang trabaho ko hanggang sa makuha ang tiwala ng nakakataas sa akin.

.

ayokong sayangin ang tiwalang iyon kaya pinag iigihan ko ang paglilinis. kapalit nito ay ang perang pinapadala ko para sa pagpapagamot ni tiyo carding . nakakalungkot isipin, dahil lalong lumalala ang kalagayan niya at kailangan kong magtrabaho dito. malayo sa piling ng taong nagpalaki sakin pero wala akong magawa. dahil gusto kong maging tuloy-tuloy ang bawat chemotherapy session para sa cancer nya.

.

naniniwala ako na balang araw, magiging maayos din ang lahat.

.

.

.

.

.

.

.

.

kabababa ko lang ng kahoy na tungtungan pagkatapos kong linisin ang salamin sa ika  labing walong palapag ng building na yon. parang hindi na rin ako nalulula kahit pa gaano kataasan ang nililinis ko.

.

inayos ko ang timba, foam at iba pang gamit. ilalagay ko na ito sa taguan dahil ang susunod na gagawin ko naman ay ang mga basurahan.

.

napalingon ako sa isa ring pinoy na kasama ko dito sa china.

pinoy: aly, pumunta ka daw sa taas. pinapatawag ka ng presidente ng kumpanya.

aly: ako? bakit daw?

pinoy: walang sinabi eh. basta pinapatawag ka. yun daw tagalinis ng bintana.

.

umoo na lang ako kahit hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at pinapatawag ako.

.

kumakabog ang dibdib ko habang binabagtas ko ang daan papunta sa kwartong iyon sa dulo ng pasilyo.

.

sinalubong ako ng secretary at narinig ko lang ang sinabi niya

secretary: president, the window cleaner is here.

secretary: okay.

.

secretary: the president is waiting for you.

.

huminga muna ako ng malalim bago ko pinihit ang door knob ng pintong iyon.

.

isang upuan ang nakita ko. swivel chair ata ang tawag doon. nakikita ko lang yun sa tv. nakatalikod sa akin.

aly: ahmmm president. im alyssa valdez. 

.

nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino ang nakaupo sa swivel chair ng humarap siya sakin.

president: i knew it was you.

.

parang natuyo ang lalamunan ko. nakangiti siya sakin. ngiting-ngiti na umaabot sa tenga.

.

hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. kundi isang salita ang lumabas mula sa mga labi ko.

.

.

.

.

aly: bang..

.

.

THE END

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

sorry.. pabitin ang ending.. :) dati ko pa yan gustong gawin.. dun pa sa shattered dreams.. remember gusto ko sad ending doon kaso happy ending pa din ang namayani.. hehehe :) kaya eto, pinagbigyan ko na ang sarili ko, nilagyan ko lang ng twist sa ending :P

.

wag kayo magagalit ah?

.

salamat sa mga votes and comment :P

.

salamat sa mga hindi nag gigive up kahit hindi ako nagpaparamdam..

.

salamat dear readers and followers :)

.

.

til next story :)

.

.

.

.

unbreakablethread :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 22, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon