last dance with you

4.8K 102 1
                                    

aly's POV

matagal ko na ding napag-isipan ito. kahit pa wala pa kaming isang taong magkarelasyon, alam ko na sa sarili ko na si denden na ang gusto kong makasama sa buong buhay ko.

.

naisip ko din na ang panget tingnan na nagsasama kami kahit hindi pa kami kasal. ayokong may masabi ang mga tao sa amin. mahal na mahal ko si denden kaya naman kahit na madalas kaming mag-away, hindi ko pa rin siya magawang iwan. kasi ramdam ko naman na mahal niya ko.

.

sana pumayag siya sa gagawin kong proposal. hindi man engrande. pero atleast, totoo sa puso ko ang alok ko sa kanya. bahala na sa gastos sa kasal. ang importante sa akin, maisuot ko sa kanya ang singsing na antagal kong pinag ipunan. silver nga lang pero okay na rin. atleast galing sa paghihirap ko at hindi galing sa nakaw.

.

nakikita ko ang kasiyahan ni denden habang kasayaw ko siya. napakatagal ng panahon mula ng mayakap ko siya. namiss ko ito, ang maamoy ang kanyang buhok. ang maramdaman ang presensya niya.

.

hindi ko na pinatagal pa. lumuhod ako sa harapan niya at binanggit ang magic question.

.

parang drum ang puso ko sa pagtambol nito sa dibdib ko.

.

pero unti-unting nawala ang ngiti mula sa mga labi ko ng hawakan niya ang mga kamay ko.

den: stand up.

.

parang wala akong narinig. nanatili ako sa posisyon ko habang nakatitig lang sa kanya.

den: stand up aly please.

.

tinulungan niya akong tumayo. para bang iwinaksi ko ang lahat. ngumiti pa rin ako at nagtanong sa kanya.

aly: oh ano? will you marry me?

.

ilang segundong hindi nagsalita si denden. tumango siya. 

aly: come on den. anong sagot mo?

den: aly, i..

.

hindi ko inaalis ang ngiti sa labi ko kahit alam kong plastic na ang ngiting iyon. ayoko lang sirain ang moment na yon. baka naman nagpapasuspense lang si den.

den: aly, mahal kita. mahal na mahal kita.

.

den: kaya lang.

aly: kaya lang ano?

.

nakita ko ng kinagat niya ang pang ibaba niyang labi bago tumingin sakin.

den: kaya lang hindi ko pa kayang magpakasal sayo ngayon.

.

halos gumuho ang mundo ko sa narinig ko. nanghihina akong napaurong hanggang sapitin ko ang division ng bahay. doon ay napakapit ako para hindi matumba.

den: aly, hindi ko ineexpect to eh.

aly: sabi mo.. sabi mo mahal mo ko.

den: mahal kita. sasama ba ako sayo kung hindi kita mahal?

aly: pero.. pero bakit ayaw mong magpakasal sakin?

.

hindi sumagot si denden bagkus ay tumungo lang siya.

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon