the inevitable life with her

4.8K 100 2
                                    

den: san ba talaga tayo pupunta?

aly: relax..

.

hindi ko alam kung maiinis ba ako o hindi kay aly. nakasakay kami sa isang pampasaherong jeep. nakakakilig sa pakiramdam na mula kanina ay hindi pa niya inaalis ang pagkakahawak niya sa aking kamay. 

aly: sa kanto lang po.

.

ah, sa wakas bababa na pala kami. naunang bumaba si aly at inalalayan niya akong makababa sa jeep. 

aly: saglit lang ha?

.

tiningnan ko na lang si aly habang papunta siya sa isang maliit na tindahan. hindi naman nagtagal at bumalik na rin siya bitbit ang dalawang pirasong kandilang puti at isang posporo.

den: para san yan?

aly: basta..

.

ngumit lang siya saka muling hinawakan ang kamay ko at naglakad pa kami. 

.

gusto kong magtaka ng pumasok kami sa isang sementeryo. naisip ko na ito ang dahilan kung bakit bumili ng kandila si aly. pero ano ang kinalaman ko at kailangang isama pa nya ako dito?

.

tumigil kami sa harap ng isang puntod. may kalumaan na ito, bakas sa kupas na pinturang puti. 

.

sinindihan ni aly ang dalawang kandila.

aly: nay, tay. ipinapakilala ko po sa inyo ang magiging future manugang niyo, si denden.

.

hindi ko alam kung talagang maloko lang si aly pero natuwa ako sa pakiramdam na pinapakilala sa magulang ng kasintahan. kahit pa puntod ang kaharap namin, pakiramdam ko ay ang mga magulang niya ang kaharap namin.

.

umusal lang kami ng panalangin bago kami umalis sa lugar na iyon.

.

.

.

.

at dahil malapit ng mag dilim ay dinala ako ni aly sa isang fastfood paglabas ng kanto na iyon. habang inaalis niya ang balot ng kanin at inilagay sa plato ko ay nagsalita ako.

den: ahmmmm aly..

aly: oh?

den: thank you.

aly: para san?

den: sa pagpapakilala mo sakin sa mga magulang mo.

aly: ano ka ba? girlfriend kita. at dapat lang na ipakilala kita sa kanila.

den: hmmmm

aly: bakit?

den: si bang..

aly: anong tungkol kay bang?

den: ipinakilala mo din ba siya sa mga magulang mo?

.

ngiti lang ang isinagot ni aly sakin. pero pagdaka ay nagsalita.

aly: binalak kong ipakilala siya, pero ewan ko ba. hindi natuloy eh.

den: bakit?

aly: noong una, dahil parehas kaming nagtratrabaho, tapos, pinag-aral ko siya kaya pagdating ng bahay, gusto ko magpahinga na lang siya.

Ex - Con Book 1 (AlyDen | LADen | BangLy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon