Nag lalakad kami ni Eurich ngayon nang magkasama. Para tuloy kaming mag kaibigan na hindi mapag hihiwalay.
Dikit naman kase nang dikit 'tong babaeng 'to! Hindi ko na tuloy alam kung paano ko s'ya iiwasan.
Pero medyo malaki din naman ang tulong n'ya sa'kin para hindi ako pag hinalaan nang sobra ng mga hari.
I need to act like a normal student. Syempre ang mga normal na estudyante may mga kaibigan kahit papaano.
Binuksan ko na lamang ang locker ko at nag taka nang may makitang sulat.
"Sinong nag bigay?" takang tanong ni Eurich. Binuksan ko nalang at binasa pero hindi ko pinakita sa kanya kaya na curious din s'ya.
"Self or Friend?"
Ano bang ibig sabihin nito? sarili o kaibigan?
Mukhang may gusto nanaman silang mangyari. Pero wala naman akong kaibigan, kaya sinong tinutukoy nila?
Hindi kaya...napatingin ako kay Eurich. Mukhang s'ya 'yung tinutukoy dito.
Wala naman ginagawang masama si Eurich kaya hindi s'ya puwedeng madamay.
Tsaka hindi ko din naman s'ya kino-consider as my friend pero mukhang mag kaibigan ang tingin nila sa amin dahil palagi kaming mag kasama at mag kausap.
"Ano nga pala 'yung nakalagay diyan sa sulat?" agad kong itinago itong sulat nang mag tanong s'ya.
"Nothing." sagot ko nalang at isinara na ang locker ko at isinara na din n'ya ang kan'ya.
"Okay, pero Blythe? bumabait ka yata?" bigla namang natawa si Eurich.
Natahimik ako sandali. Ganoon naba ako kasamang tignan para sabihin niyang bumabait na ako?
Siguro may mga pag babago lamang sa ugali ko nang mawala ang kapatid ko. Napuno ng galit ang puso ko kaya nakalimutan ko kung sino talaga ako.
Mag kaibang mag kaiba kase ang ugali ko dito sa school na ito at sa school na pinang hahawakan ko.
"Akala mo lang 'yon." sabi ko na lang sa kan'ya at namulsa sabay lakad.
"Moody ka pala." usap nanaman n'ya at mas lumapit sa akin sabay hawak sa braso ko.
Kaya mapag kamalan kaming mag kaibigan, masyado kase siyang malapit sa'kin.
Nakakasama kolang si Eurich pero hindi ko pa s'ya ikino-consider as my friend dahil hindi ko pa s'ya nakikilala. Hindi ko pa din s'ya nakakasama sa problema ko kaya hindi ko s'ya ma co-consider.
Kase ma co-consider mo lang ang isang tao na kaibigan mo kung palagi s'yang nandoon sa mga problema mo at tanggap ka sa lahat kung ano ka. At isa pa, masasabi mo lang na tunay mong kaibigan ang isang tao kapag nagawa na niyang hindi ka siraan o traydorin.
Hindi ko na pinansin ang mga sinabi ni Eurich. Bumalik na kami sa kani-kanila naming kuwarto bago pa mag 6 PM.
Wala namang ganap ngayon tungkol sa Assassination Night na kasama ako kaya chill lang ako dito ngayon.
Humiga ako sa kama ko at tumingin sa kisame at natulala pero nagising din ang diwa ko nang mag salita ang announcer.
"Good evening, students! Just stay in your room and take a rest. Sweetdreams everyone and good night! Don't make any noise, okay? and also don't make any trouble. Bye!"
Nag bihis na muna ako bago manood. Medyo curious ako kung sino ang mag lalaban ngayon. Ngumuya ako ng bubble gum para hindi ako ma bored at ipinatong rin ang paa ko para maging komportable ang upo ko.
YOU ARE READING
ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1
Bí ẩn / Giật gânEverything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect her kings, good at fighting, and fearing nothing. She's a member of Assassination Group, became part of "Bloody Game" as her punishment from...