Kabanata 18

13.3K 437 95
                                    

Pasakay na kami ng barko ngayon. Sobrang tinatamad ako habang buhat-buhat ang bagahe ko.

Ano ba kaseng gagawin sa Godly University at kailangan pa naming pumunta doon?

Tapos sunod pa nang sunod 'tong si Eurich. Naiinis ako sa presensya n'ya kaya ganito na lamang ako kainis tuwing nakikita s'ya.

Nang maka akyat na kami sa barko ay dumeretso kami sa kwarto namin. Hiwa-hiwalay kami ng kwarto dito at may kan'ya-kan'ya din kami. Nandito kami sa lower class kaya maliit lang ang kwarto pero puwede na. Hindi naman kami mag tatagal dito.

Lumabas din ako ng kwarto pagkalagay ko ng gamit ko at pumunta ako sa pinaka mataas na bahagi ng barko.

Nagyukuan ang mga estudyante pag akyat ng dalawang hari na si Aisler at Thaddeus.

Sa akin naman nabaling ang tingin ni Aisler pero iniwasan ko s'ya ng tingin at umalis rin ako.

Naka salubong ko naman si Xynon sa hallway pero hindi ko s'ya pinansin.

"Lucy?" tawag nito kaya mabilis ko s'yang nilingon.

"Gusto mo bang mamatay?" inis kong tanong na may pagbabanta sa tono ko.

Ang lakas kase ng loob n'yang tawagin akong "Lucy" in public. Mabuti na lamang walang tao dito at walang nakarinig.

"No, Sorry! Pero pa'no ka nakabalik?" tumaas ang isa kong kilay dahil sa tanong n'ya.

"I'm a queen, Xynon." taas kilay kong sagot at dahan-dahan pa n'ya akong nilapitan.

"You don't remember what happened in bloody game, right?" tanong nito at nagka salubong naman ang kilay ko.

"What do you mean?"

"Did you still remember? na may gamot ang lola mo para maalala mo 'yung nangyari sa game?" medyo nanlaki ang mata ko sa sinabi n'ya.

"Ikaw na mismo ang nagsabi that you're a queen. Eh, bakit parang hindi mo alam 'yon?" napangisi ako sa sinabi n'ya at namulsa tsaka umayos ng harap sa kan'ya.

"Of course I know that. Balak kong uminom non kapag naka balik ako ng palasyo." sabi ko at nginisian s'ya. Inirapan kona din s'ya at tinalikuran

Eme lang 'yon dahil hindi ko talaga alam ang tinutukoy n'ya dahil ngayon ko lang naman nalaman ang bloody game. Mukhang bata pa ako noong ikwinento ni Lola sa'min ang tungkol sa bagay na 'yon kaya wala akong maalala.

Pero bakit bigla n'yang nabanggit 'yon?

Aside from that, nagtataka din ako kung paanong nagkaroon ng gamot para sa walang kwentang laro na 'yon?

***

Nang mag gabi na, pumasok si Eurich sa kuwartong kinalalagyan ko. Suot-suot niya ang isang kulay sky blue na gown dresses na ikinataka ko.

Bakit s'ya naka ganiyan? Para s'yang may party na aattend-an.

"Blythe, maganda ba?" masaya n'yang tanong at inikot pa ang katawan n'ya para ipakita sa'kin ang kabuoan nito. Hindi ko s'ya sinagot at nag focus lang ako sa librong binabasa ko.

"Hoy! mag suot kana din ng gan'to dahil may party sa labas." sambit nito. Napa irap ako dahil sa ingay ng bunganga n'ya. Hindi tuloy ako makapag concentrate sa pag babasa.

"Hindi ako sasali sa party kaya kayo nalang." seryoso lang ang mukha ko.

Kinalkal n'ya ang wardrobe na nandito sa kwarto ko at kinuha ang gown dresses ko na kulay pula.

"Ang ganda ng isusuot mo tapos ayaw mo ibida? Dali na isuot mo na, Blythe! Tara na!"

inis akong tumayo at kinuha 'yung hawak niyang red gown dresses at ibinalik ko iyon sa lagayan.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now