Kabanata 22

12K 405 25
                                    

Kinabukasan, nag bihis na ako para makapasok na. Nag face mask ako at hoodie na dahil medyo malamig sa room. Pagkatapos ko ay nag lakad na ako sa hallway at dumeretso ako sa classroom. Medyo nanlalambot talaga ako at para akong nilalagnat na hindi malaman kaya para akong walang gana.

Naupo na din ako sa tabi ni Eurich at sakto namang dating ni Prof. at may kasama din s'yang babae na ipinag taka namin. Bagong estudyante yata s'ya.

"Good morning, students!" bati ng Prof. namin kaya binati na lamang din namin s'ya.

"You have a new classmate," dugtong nito at inutusan 'yung babaeng ipakilala ang sarili n'ya.

"Hello! I'm Venus Alohra. I'm 19 years old and I'm from Blood University." maikli nitong pakilala at nginitian naman s'ya ng mga kaklase ko.

"What's your hobby Ms. Alohra?" tanong ni Prof. Hindi ko naman maitatanggi na maitsura s'ya dahil sa mahaba n'yang buhok at pilikmata.

"Ah, kumain po. 'Yun po ang hobby ko." natawa naman ang mga kaklase ko sa isinagot n'ya. Parang hindi naman s'ya mahilig kumain dahil sobrang payat n'ya.

"I think mag kakasundo kami ng babaeng 'yan." Natutuwang bulong naman ni Eurich pero 'di ako sumagot.

"She's a student of Maximus University and she's from Blood University. Itrato n'yo s'ya nang tama at irespeto n'yo s'ya even tho she's from Blood University, okay?" saad ni Prof. at tumango lamang ang mga kaklase ko.

Medyo may pagtataka lang sa mukha ko. Ang mga estudyante ng Blood University ay involve sa labanan kaya bakit s'ya nag transfer dito? Alam naman n'yang hindi maayos ang lagay ng school na pinanggalingan n'ya at ng school na pinasukan n'ya ngayon. Sa tingin ko ay may ipinunta s'ya dito.

Umupo na si Venus at hindi naman kalayuan ang agwat naming dalawa. Nginitian din n'ya ako bago s'ya maupo dahil napansin yata n'yang nakatingin ako sa kan'ya.

"Ms. Blythe? Makikidala 'to sa lumang library." biglang utos ni Prof. sa'kin kaya nailipat ko ang tingin ko sa kan'ya at napatayo na din ako. Labag sa loob kong kinuha 'yung tatlong libro na iniabot n'ya.

Parang gusto ko tuloy mag dabog. Kukuha-kuha s'ya ng libro sa library tapos hindi naman pala n'ya ibabalik. O baka inaandaran lang ako ng katamaran kaya ako nag rereklamo. Hindi kasi maganda ang pakiramdam ko ngayon.

Maglalakad na sana ako nang mapahinto ako dahil nag tanong pa si Prof.

"By the way, Ms. Blythe. Why are you wearing a face mask?" tanong n'ya bigla. Peke na lamang akong umubo at tinignan s'ya, "Ah, inu-ubo po kasi ako." palusot ko at mukhang naniwala naman s'ya kaya nag madali na akong lumabas at hindi na hinintay pa ang sasabihin n'ya.

Habang nag lalakad sa hallway ay naramdaman ko ang pag kirot ng ulo ko kaya napahawak ako dito dahil sa sakit. Bakit ba bigla nalang s'yang kumikirot? Kulang lang siguro ako sa tulog. Ayoko pa naman makaramdam ng sakit ng ulo, kainis!

Binilisan ko nalang ang pag lakad papunta sa lumang library para ilagay 'tong mga libro.

Habang hinahanap ang lagayan ng mga libro, naitaas ko ang isa kong kilay nang makita si Lexus dito kaya nilapitan ko s'ya dahil nadin kalapit n'ya ang lalagyan ko ng libro.

"Bakit ka nandito?" tanong ko pero seryoso lang ang mukha n'ya habang kakatutok ito sa librong binabasa n'ya. Tungkol saan naman kaya ang binabasa n'ya?

Hindi ko na s'ya hinintay sumagot at inilagay kona din ang mga libro kaya tumalikod na ako at aalis na sana dahil nakakaramdam na din ako ng hilo. Mag lalakad na ako nang mag salita s'ya, "Do you have any idea about the queen of all?" bigla n'yang tanong na medyo ikinalaki din ng mata ko pero hindi ko ipinahalata.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now