Agad akong napa upo nang magising ako. Napahiga din ako bigla dahil nakalimutan kong may sugat nga pala ako sa t'yan. Ang sakit.
Pero nag taka ako, nasaan ba ako? Nasa hospital ba'ko?
"Blythe? Okay ka lang ba? mabuti na ba ang pakiramdam mo? 'wag ka muna tumayo." napalingon naman ako sa nag salita.
Si Eurich na kadadating lang. May dala din s'yang prutas at ipinatong ito sa lamesa.
"Bakit ako nandito?" takang tanong ko at napa daing pa nang kaunti dahil sa kirot ng sugat ko.
"Nahiwaan ka ng espada kaya ka nandito." sagot naman agad niya.
Sa bagay, bakit kopa kase tinanong kung ba't ako nandito?
Pero sino nga ulit nag dala sa'kin dito?
"No, I mean who brought me here?" paglilinaw linawan ko nalang.
"Hindi ko alam." sagot agad niya. Medyo napaisip ako. Binuhat ako ni Aisler kagabi kaya 'di imposibleng s'ya ang nag dala sa'kin dito.
Pero bakit n'ya ginawa 'yon?
"Blythe, alam mo ba? nanalo ang school natin gawa mo. Mas lamang kase ang napatay ng school natin kaysa sa napatay ng A.G ng Blood University, eh ikaw ang MVP sa laban kaya malaki din ang pasasalamat namin sa'yo. Kaya may dalawang araw daw tayo para maka labas." tuwang tuwa n'yang saad.
Halatang gusto na talaga niya makalabas. Nanalo pa pala ang school namin. Sa bagay, lumabag sa rules ang Blood University, kaya 'di malabong matalo sila.
"Masakit pa ba ang sugat mo? baka hindi ka makalabas n'yan bukas sayang ang 2 days." napalingon ulit ako kay Eurich.
"No, kaya ko." sabi kolang. Kailangan ko kaseng umalis bukas. Pupunta ako ng palace para kamustahin si Mom and Dad. Matagal na din nang huli akong naka-apak sa palasyo.
"Blythe? wait lang, ba-banyo lang ako." pagpapaalam ni Eurich. Hindi ko nalang s'ya sinagot at umalis rin naman s'ya agad.
Napatingin ako sa katawan ko, puro pasa. Ngayon ko lang 'to naranasan.
May nag bukas ulit ng pinto at awtomatiko akong napatingin kay Aisler na kadadating lang.
At bakit s'ya nandito?
"Are you feeling well?" tanong agad niya at lakas loob na lumapit sa akin at tumayo sa harap ko.
Namulsa ito at seryoso lamang ang mukha n'ya habang nakatingin sa katawan kong puro pasa at sugat.
"Bakit mo ginawa 'yon?" tanong ko kaagad.
"Shouldn't I be the one asking that?" balik niyang tanong kaya medyo napaiwas ako ng tingin.
Hindi ata niya kasama ang alagad n'ya ngayon. Pero okay lang, inis rin ako kay Lexus.
"Tungkol saan?" takang tanong ko nalang.
"Bakit hinayaan mong gawin n'ya 'yon?" seryoso nitong tanong habang nakatingin sa akin nang deretso.
"'Yung ano? at sino?" taka-takahan ko lang.
"'Yung queen of all, at 'yung ginawa n'ya sa'yo." sagot nito.
"Kase nga reyna s'ya." sagot ko lang dahil wala akong maisip na sasabihin. Medyo naba-blanko kase ako ngayon dahil medyo nang hihina din ako.
"I know, hindi ba't palaban ka?" medyo may pag didiin sa tono niya na medyo parang disappointed s'ya.
"What do you mean?" taka-takahan ko ulit.
"Sinadya mo 'yun, right? yung hayaan mong saktan ka n'ya?"
bakit ba naiinis s'ya?
"No." sagot ko na lang dahil medyo kinakabahan ako sa mga tanong n'ya.
YOU ARE READING
ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1
Mystery / ThrillerEverything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect her kings, good at fighting, and fearing nothing. She's a member of Assassination Group, became part of "Bloody Game" as her punishment from...