Kabanata 9

14.2K 446 31
                                    

"We feel sorry for the bereaved. We didn't protect you last night, and we're hoping that you can forgive us. We didn't expect what happened last night, I'm so sorry."

Nasa unahan ang head master ng school at nag so-sorry s'ya sa amin. Nag tipon-tipon ang mga estudyante upang makinig.

Nag hagul-gulan nanaman sila ng iyak at kahit si Eurich ay naiiyak. Kalapit ko lamang s'ya.

Naka paskil ang mga mukha ng namatay at madami ding bulaklak na naka palibot rito.

"Blythe? Thankyou at tsaka sorry. Thankyou kase iniligtas mo'ko at sorry kase dinala kita doon sa mga estudyanteng nag sasaya. Mabuti na lamang at matalino ka, at mabuti na lang rin kasama kita dahil kung hindi baka kasama ako sa namatay." umiiyak niyang saad.

I was just serious as I stared and listened to what she was saying. Hindi ko s'ya sinagot. Bigla nanaman niyang hagulgul sa pag iyak.

"Shh, ang panget mo." pag kasabi ko n'yan ay nag lakad na ako at nilagpasan s'ya.

Sinundan lamang n'ya ako. Dumeretso kami sa cafeteria para kumain. Um-order ako ng pasta at juice.

Tumigil na din sa pag iyak itong si Eurich at kuma-kain na din siya.

"Blythe? Alam moba? bukod sa nangyaring patayan kagabi? may babae daw na nang himasok sa kwarto ni Thaddeus." may laman ang bibig n'ya habang nag sasalita.

Napa tigil ako sa sinabi ni Eurich. Paano pa nai-labas ang balitang iyan sa likod ng patayan kagabi? Akala ko ay na takpan na'yan, pero nagkamali ako.

Sayang rin talaga ang effort ko kagabi, ta's nandoon pala si Lexus.

"Ha? may nang himasok sa loob ng kwarto ni Thaddeus kagabi?" pag ku-kunwari kong walang alam.

"Grabe! mukhang may intensyon 'yung babae. Sabi sa'kin ni Thaddeus ang gulo daw ng kwarto n'ya at galit na galit s'ya dahil doon." dugtong pa n'ya.

Kailan pa sila naging close ng sira-ulong 'yun?

"Nag uusap kayo ni Thaddeus?" medyo nag tataka kong tanong. Ngumiti naman s'ya na parang bata at tumango.

Mukhang alam talaga ni Thaddeus na princess si Eurich. 'Di naman s'ya basta-basta nakikipag usap sa normal student kaya sigurado akong alam n'ya. Ang arte-arte kaya n'ya.

"Hays! grabe. Nalu-lungkot pa din ako dahil ang daming namatay na estudyante." napa buntong hininga siya at nalungkot ang mukha.

Hindi ko na s'ya pinansin at nag lagay na lamang ako ng ear phone sa tainga ko para hindi ko na marinig ang pag uusap n'ya.

Kalalagay ko pa lamang ng earphone ay may ini-announce nanaman ang announcer.

"Ms. Blythe, go to the kings office!" utos nito sa'kin. Nagtaka ang mukha ko habang hawak ang earphone ko at kinabahan ako bigla.

Bakit ako pinapa tawag? Hindi kaya't nakilala ako ni Lexus?

F*ck! hindi maaari.

Ipina-patawag na nila ako, edi ibig-sabihin alam nilang ako ang nang himasok?

Sandali, paano ko 'to lulusutan?

Ang b*bo ko na talaga kung mabubuking ako. Bakit kase hindi ako nag ingat? masyado akong nag pa dalos-dalos.

"Huy Blythe? pinapa tawag ka ng mga hari."

Nagising ang diwa ko dahil sa pag uusap ni Eurich.

Huminga ako nang malalim bago tumayo at mag lakad papunta sa office.

Nandito na ako sa tapat ng pinto at nag da-dalawang isip kung bu-buksan ito.

Ini-isip ko kung anong gagawin ko kung nakilala nga nila ako?

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now