Hindi na napigilan ng luha ko ang pag bagsak nito habang ako'y nag da-drive at sinusundan si Khairo. Mas binilisan ko din ang pag da-drive ko habang tuon na tuon ang mata ko sa kotse nito.
Hindi n'ya ako puwedeng takasan dahil hindi pa kami tapos. Hindi n'ya ako puwedeng iwan na parang laruan.
Ang sakit sakit ng ginawa n'ya. Napaka bigat ng nararamdaman ko.
Bigla na lamang din tumatak sa utak ko ang mga kabutihang ginawa n'ya para sa akin na hindi naman pala totoo.
Hindi ko alam kung ano ang mga totoo sa lahat ng ipinakita n'ya sa'kin.
Naalala ko kung paano n'ya ako icomfort tuwing umiiyak ako, kung paano s'ya mag biro tuwing kasama ako, kung paano kami tumawa habang nag uusap, kung paano s'ya makinig sa lahat ng sinasabi ko, at kung paano n'ya ako tulungan tuwing kailangan ko s'ya.
The way na isandal ko ang ulo ko sa balikat n'ya tuwing may problema ako, yakapin s'ya tuwing kailangan ko, at pagkatiwalaan s'ya. Ang sakit lang kasi sobrang komportable ko sa kan'ya tapos malalaman ko na lahat ng mga ipinakita n'ya ay pawang kasinungalingan lamang.
Nag punas ako ng luha at ginising ang diwa ko. Hindi ko kasi napansin na tumutulo na pala ang luha ko.
Mas binilisan ko nalang ang pag da-drive ko at alam kong nakakapansin na s'ya dahil sa pag sunod ko.
Pero napatigil ako nang napatigil din ito. Bumaba s'ya ng kotse n'ya kaya mabilis din akong bumaba.
Hindi maipinta ang inis, at galit sa mukha ko na hinaluan ng pag tatampo, at disappointment.
Napa-atras naman s'ya nang makita ako dahil nagulat yata s'ya at akala n'ya ay si Aisler ang nakasunod sa kan'ya.
"W-what? A-Anong ginagawa mo dito?"
"You f*cking traitor!"
Mabilis ko s'yang nilapitan at sinampal nang dalawang beses. Pinag hahampas ko din ang dibdib niya at hindi din naman napigilang sumabay ng luha ko.
Habang siya naman ay hindi magawang palagan ako.
"Traydor ka, Khairo! Paano mo nagawa sa'kin 'to?! Paano?!"
Itinulak n'ya ako palayo sa kan'ya pero 'di ako nag patinag at muli ko s'yang nilapitan upang sampalin s'ya ng isa pa.
"Answer me! Khairo! Sagutin mo'ko! Paano mo nagawang traydorin ako?! Naging mabuti ako sa'yo! Pinagkatiwalaan kita! Sinandalan kita! Kinaibigan kita! Tapos malalaman ko na ginagago mo'ko!"
Hindi ko mapigilang humikbi habang umiiyak. Halos gusto kong humagulgol pero nahihiya akong gawin ito sa harap n'ya lalo na't alam kong hindi na ang Khairo na ito ang nakilala ko.
"How could you do this to me, Khai? I trusted you...Hindi ka manlang ba nakonsensya? Hindi kaba naawa sa'kin habang masaya tayong magkasama at nag uusap? At kahit isa ba ay may totoo sa lahat ng ipinakita mo?" ramdam ang sakit sa pag uusap ko gamit ang malumanay na boses dahil sa nag pipigil kong iyak.
"Are you f*cking crying because I betrayed you?"
Did he just ask me if I'm crying because he betrayed me?
"Do you think that's f*cking easy? Anong ine-expect mo? Tatawa ako? You f*cking asshole! Traydor ka! Paano mo nagawa lahat ng 'to? T*ngina ginawa mo'kong tanga, Khairo! Hayop ka! Sinira mo ang tiwala ko!"
"It's not my fault that you trusted me! I mean, I just did my job. Ginawa kolang 'yon because I need to!"
"Kailan mo pa ako tinatraydor, Ha?! Simula umpisa ba? Kailan?!"
YOU ARE READING
ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1
Mystery / ThrillerEverything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect her kings, good at fighting, and fearing nothing. She's a member of Assassination Group, became part of "Bloody Game" as her punishment from...