Nag alisan na silang lahat. Hindi kami p'wedeng mag tago lang dito kaya naman kumuha ako ng bag at nag lagay ng mga pasabog dito. Marami kaseng naiwan na bomba dito.
Lumabas na kami at pum'westo na kaming lima.
Inihanda ko ang baril na hawak ko at inihanda na din nila ang kanila. Madaming puno dito at medyo madilim.
May mga estudyanteng nag tatakbuhan at may nakita kaming mga zombie na umaatake.
"Hala! Ang dami nila." takot ni Eurich at napa kapit kay Thaddeus.
Ipinalibot namin ang tingin namin at makikita sa paligid na sinusugod ang mga estudyante.
Tumakbo kami at may mga humabol naman sa aming zombies.
I don't know if they're actually zombies. Pero mukha silang mga tao na pinag eksperimentuhan base sa mga hitsura nila pero wala na akong pake doon, ang mahalaga ngayon ay ang matapos ang larong ito.
Nang makakita ng mapu-p'westuhan ay agad kaming umayos at doon pinatamaan ng bala sa ulo ang mga zombies. Medyo madilim kaya hindi namin masyado makita kung ilan ang pasugod.
Paputok lamang kami nang paputok dahil nga madilim. Mayroon ring mga estudyanteng namamaril, hindi lang kami.
Pa-atras kami nang pa-atras habang bumabaril. Binitawan ko saglit ang baril ko at kinuha ang bag ko. Balak ko kasing mag hagis ng bomba.
Nag hagis ako doon sa part na madaming zombie at agad namang sumabog iyon.
"AHH!" tilian ng mga estudyante dito. Hindi na namin naisip kung may madamay dahil sobrang dilim talaga. Napaka hirap kumilos. Medyo may nakikita pa naman kami pero hindi ganoon kalinaw.
Ipinag patuloy namin ang pag papaputok hanggang sa maubusan kami ng bala.
"Wala na tayong bala. " usap ni Eurich. Nag labas nalang ako ng granada at ibabato sana iyon nang pigilan ako ni Lexus.
"Ako na." sabi niya at inagaw sa akin ang granada. Agad niya iyon ibinato sa kung saan.
"Kung ibabato mo basta 'yan, baka mas madami pa ang mapatay mong estudyante." saad niya na ikina-tigil ko.
Tama naman s'ya, pero hindi ko na inisip 'yon dahil hindi ko naman alam kung nasaan diyan ang mga estudyante dahil naka halo sila sa zombies.
Sadyang malakas lamang ang pakiramdam niya kaya alam niya kung nasaan ang mga tao.
"Ilan ang dala mong gan'yan?" tanong ni Thaddeus.
"Tatlo lang." sagot ko.
"Akina 'yung isa." utos nito kaya inabot ko sa kan'ya.
Ibinato n'ya 'yon sa kabilang side tsaka kami kumaripas ng takbo.
Habang tumatakbo kami ay nadapa pa si Eurich. Agad naman namin s'yang pinatayo at nag patuloy sa pag takbo.
May mga zombies dito kaya naman pinatulan na namin.
Kinuha ko ang kutsilyo na isiniksik ko sa cycling ko kanina at isinaksak ito sa ulo ng zombie.
Nakikipag laban na din sila gamit ang mga armas na mayroon sila.
Sinipa ko palayo ang zombie na sumugod sa akin at nilapitan ko din agad ito at sinaksak sa noo ng kutsilyo. Madami-dami din ito.
May zombie na tumatakbo palapit sa akin at napaka bilis ng takbo nito. Nag loading ang utak ko dahil hindi ko alam kung anong gagawin lalo na't wala na akong armas at hindi sapat ang kutsilyo at lakas ko para malabanan s'ya.
Papalapit na s'ya, anong gagawin ko?
Nang papalapit na ito sa'kin ay nagulat ako nang si Lexus ang nakipag laban dito. Sinipa niya ito nang malakas palayo sa akin na siyang ikinatalsik ng zombie, nilapitan din niya at pinag susuntok ang mukha hanggang sa madurog ito. Napaka lakas ng p'wersa n'ya.
YOU ARE READING
ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1
Mystery / ThrillerEverything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect her kings, good at fighting, and fearing nothing. She's a member of Assassination Group, became part of "Bloody Game" as her punishment from...