CHAPTER 40
"Today is hell day."
"Everything will start at 3 PM"
"We need to stay outside."
"Dito masusubok ang kakayahan natin."
"May galit nanaman ang king of all."
"I really hate when he's angry."
"Pero mas dapat tayong mainis sa nang galit sa kan'ya dahil walang ganito kung hindi n'ya ito ginalit."
"Tsk! I really hate my life!"
"Pagkatapos ng party, bangungot ang kapalit."Kanina pa ako napapatigil dahil sa mga naririnig ko habang ako'y nag lalakad.
Ano bang ibig nilang sabihin? 'Hell Day'? Ano 'yon?
Ang dami konang iniisip dumagdag pa 'yon.
Nag lakad nalang ako papunta sa dereksyon ni Khairo at sabay na kami nag lakad para pumunta sa gymnasium.
"Hell day daw ngayon? Ano 'yon?" tanong ko habang kami'y nag lalakad.
"Every year may ganoon dito gawa ni Aisler. Kapag nagagalit s'ya nag dedeclare s'ya ng ganon. Buong araw may patayan dito at hindi ka puwedeng pumasok sa loob ng kuwarto mo." kalmado nitong sagot habang nakatingin nang deretso.
"Ano namang purpose niyon?"
"Hindi ko din alam. Wala namang nakakaalam. Basta ang alam lang nila ay kapag nagagalit si Aisler may ganitong ganapan."
Napa ngisi ako't namulsa. Bwis*t talaga ang lalaking 'yon. Wala na s'yang nagawang tama. Palagi n'yang idinadaan sa kasamaan ang lahat at nandadamay pa s'ya.
Kumukulo talaga ang dugo ko kapag naiimagine ko ang mukha niyang parang papatay. Hays, umaangat nanaman ang dugo ko.
Tumigil kami ni Khairo sa gymnasium at nakinig sa sinasabi ni Prof. Duavez habang kami'y nakatayo. Ubos na kasi ang upuan.
"Everyone, this game will begin tomorrow. Kung sinong gusto n'yong isali ay ilista n'yo na agad. Huwag n'yo din kalimutan na kapag may nag sali sa inyo sa larong 'to ay hindi kayo puwedeng tumanggi. That's part of the rules. Okay? Puwede na kayong mag start ilista kung sino ang gusto n'yong mag laban dito bukas." usap n'ya at ibinaba na ang mic.
May laro daw kasi dito bukas. Labanan daw. Patayan ganon. Palagi naman may ganoon dito at hindi na mawawala 'yon.
Sa ganoong paraan kasi nila gustong ipakita sa ibang school na mas malakas ang puwersa nito kaysa sa iba. Kapag kasi malalakas ang estudyante, tinitingala din ang school.
Hays, hindi ko alam kung bakit may ganoon dito. Ang iskwelahang pinang-hahawakan ko ay hindi nakikisali sa mga ganito kaya suwerte nalang sila.
Napaka halaga ng mga iskwelahan para sa aming mga nasa posisyon dahil 62% ng mga tao sa bansa namin ay estudyante.
Hindi ko alam kung ilan ang estudyante dito pero sa pagkakaalam ko ay nasa 13 thousands.
"So, everyone, may mga nag lista na pala at babanggitin ko sila isa-isa sa inyo. So, listen carefully, everyone." muli nitong pag uusap habang may hawak na papel.
"Ang unang mag lalaban bukas ay sila...Irish Fuentes and Jade Mariano..."
"WhooOooo!"
Nag sigawan ang mga estudyante at nag palakpakan. Kita naman ang pagkagulat ng dalawang tinawag.
Mga siraulong 'to. Inilista ba naman 'yung magkaibigan.
"...Pangalawa sila Dave Chua at Liam Cortez..."
"WhoooOo!"
Ewan ko 'di ko kilala ang mga 'yon. Pero 'yung Irish at Jade nakikita ko 'yon na palaging magkasama sa cafeteria.
"Ang pangatlong mag lalaban ay sila...Eurich Lyn and Blythe..."
Agad nanlaki ang mata ko at kita ko din ang medyo pagkagulat ni Khairo.
YOU ARE READING
ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1
Mystery / ThrillerEverything was fine...Not until this woman came to their life. She's known as an arrogant, doesn't respect her kings, good at fighting, and fearing nothing. She's a member of Assassination Group, became part of "Bloody Game" as her punishment from...