Kabanata 1

31.6K 731 17
                                    

Tahimik akong nag babasa ng libro dito sa rooftop nang maramdaman kong may umakyat. Hindi kona lamang pinansin iyon at ipinag patuloy ko nalang ang pag babasa ko.

I hope she's not here for me, because I don't want anyone to bother me.

"Blythe?"

Mali ako. It looks like she's here for me. Napairap tuloy ako.

Nilingon ko nalang itong babaeng tumawag sa'kin. Tinaasan ko siya ng isang kilay na senyales na hinihintay ko pa ang susunod niyang sasabihin.

"P-paano mo ginawa iyon?" naiilang pa nitong tanong pero hindi ko s'ya sinagot.

Kapag pinansin ko'yan ay sigurado akong mag susunod-sunod pa ang tanong n'ya at baka hindi na ako tigilan.

"Alam mobang ikaw pa lang ang unang babae na nag lakas loob na kausapin at hawakan ang hari?" saad nito. Kumunot naman ang noo ko.

Kaya pala ganoon na lamang kasama ang tingin sa akin ng lalaking 'yon.

Tumingin ako doon sa babae, "How did you know my name?" medyo nag susungit kong tanong pero nakangiti lamang s'ya.

"Narinig ko lang." nakangiti naman nitong sagot. Lumapit naman siya sa akin at inilahad ang kamay niya para yata mag pakilala.

"I'm Eurich."

Tinaasan ko siya ng kilay na medyo may pag tataka sa mukha ko.

Bakit bigla siyang umakyat dito para makipag kilala? Halata masyado na friendly s'ya. And I hate those people like her.

"Bakit ka nag papakilala?"

Ngumiti naman ulit s'ya bago sumagot. "Ahm, narinig ko kase na nag transfer ka daw dito."

Naupo ito sa tabi ko tsaka nito itinuloy ang sasabihin. "Bakit ka nag transfer dito? alam mo ba ang rules and regulations dito? At alam mo din ba ang mayroon sa eskwelahang ito?"

Bakit kung mag salita siya ay tila parang may kababalaghan ang school na 'to?

Mukhang madami nadin s'yang experiences dito.

"What do you mean?" takang tanong ko. Huminga naman siya nang malalim bago sumagot, "Ikaw pa lang kasi ang nag lakas loob na mag transfer dito. Dahil lahat ng estudyante dito galing sa bahay ampunan. Pinilit lang sila pag aralin dito."

I already know about that. Lahat ng students dito ay galing sa ampunan o orphanage. Pina-ampon sila sa mayayamang pamilya at pilit na pinag-aral dito. Binayaran ng malaki ang mga umampon upang tumayong magulang.

I don't know what's the purpose of doing that kung kaya naman nila kumuha ng mga batang mag aaral dito without doing that. This school is suspicious.

"Blythe? I'm talking to you, bakit ka nag aral dito?" pilit na tanong ni Eurich kaya naman napaisip ako ng isasagot.

"I don't have choice." maikli kong sagot at tumayo na bago pa s'ya mag tanong ng madami.

"Paanong wala kang choice?" sunod nanaman n'yang tanong kaya nasamaan ko na siya ng tingin.

"Can you stop?" seryoso ang mukha ko na ikinatahimik n'ya. Marunong naman pala s'ya tumahimik edi sana kanina pa n'ya ginawa.

"Ahm, sorry. Hindi ko napansin na masyado na palang akong FC." nag taka ang mukha ko dahil hindi ko alam ang meaning ng sinasabi niyang FC.

"FC?" taka ko. "Feeling close, hehehe." sagot n'ya sabay tawa na parang kambing.

Peke ko na lamang siyang nginitian.

"Aalis kana ba?"

kinuha ko ang bag ko at hindi na pinansin ang tanong n'ya.

"Sungit naman nito!" rinig ko mula sa kan'ya habang nag lalakad ako palayo.

ASSASSINATION SCHOOL: Assassination Series #1Where stories live. Discover now