CHAPTER 6- O.A. Kuya

12 2 0
                                    

DARCY DEL JACINTO

Nandito na kami ngayun ni Kuya sa bahay. Ako ay nandito sa kama ko nakahiga habang nagbabasa ng libro ko tapos si Kuya naman nasa baba palakad-lakad na parang hindi mapakali. Rinig na rinig yung ingay niya sa baba kasi kaming dalawa lang ang nasa bahay nung mga oras na yun kasi si Mama nandun sa restaurant niya may inaasikaso.

Ewan ko ba dun kay Kuya. Gagawin yata niyang big deal yung kasama ko si Brix kanina. Wala naman kaming ginagawang mali. Tumambay lang kami tapos kumain.

Maya-maya pa ay narinig ko na ang nga yabag ng paa ni Kuya na paakyat na sa hagdan. Unti-unting bumukas ang pinto ng aking kwarto at bumungad sa'kin ang Kuya ko.

"Anong kailangan mo? " Maang- maangan kong tanong. Obvious naman kung ano yung kailangan niya.
Hindi ko talaga gusto pag ganito si Kuya. Mas natatakot pa'ko sa kanya kaysa sa kay mama pag nagagalit.

Binigyan niya ako ng isang masungit na tingin. Nakakibit-balikat siya at parang merong usok na lumalabas galing sa mga ilong at tenga niya. Mahahalata mo talaga sa kanya na nagagalit siya.

"What were you doing with him? " Tanong nito at tinaasan niya ako ng kilay.

"Niyaya lang niya akong tumambay at saka kumain lang kami, yun lang! " Madiin kong pagkakasagot.

Yung mukha ni Kuya ay para bang hindi siya naniniwala sa mga sinabi ko. Ano ba kasing problema nito?

"Kumain lang nga ba talaga? "

Ano pa bang iba naming gagawin? Eh kumain lang naman talaga kami eh. Ihahatid na nga niya dapat ako kung hindi lang siya umeksena.

"Kumain nga lang kami, ano pa bang gagawin namin? "

"Pero yung titigan niyo kanina parang may something, kulang na lang maghalikan kayo. "

Seriously? Ako makikipaghalikan? sa lalaking kakakilala ko lang at kaibigan ko pa talaga huh.

Umupo na'ko sa kama ko tsaka hinarap si Kuya na nakaupo na ngayun sa dulo ng kama ko "O.A. mo Kuya, kumain nga lang kami. Pagkalabas ko ng school inantay ko siya, naupo ako dun tapos pinakilala niya ako sa kaibigan niya. Kumain kami ng kikiam at cotton candy. " Sagot ko . "Ano pa bang gusto mong malaman? Baka gusto mo pa yata sabihin ko sayo kung ilang kikiam kinain ko? " Prangka kong pagkakasabi.

Nakakainis kasi si Kuya. Nagtatanong tapos hindi maniniwala.

"Ang gusto ko kasing malaman, bakit yung kalaban ko pa sa basketball yung kinaibigan mo? "

Gusto kong matawa kay Kuya kasi hindi naman si Brix yung basketball player sa kanila. Pero may side pa rin sa'kin na naiinis sa kanya kasi kung si Brax man yung kasama ko kanina, ano naman yung kinakainis niya dun?

"Hindi naman kasi yung kasama ko kanina yung nakakalaban mo sa basketball.Si Br- " Hindi ko na natapos yung dapat kong sasabihin kasi pinangunahan ako ni Kuya.

Mas nagusok ngayun ang ilong ni Kuya, "Anong hindi? Kitang-kita ng dalawa kong mata na si Braxton yun! Si Braxton Argustin! "

Hindi pa nga kasi ako tapos magsalita pinapangunahan mo na'ko! Sasabihin ko nga na hindi si Brax ang kasama ko kanina kundi si Brix!

Ngayun pati ilong ko naguusok na din sa inis kay Kuya, "Hindi mo pa kasi ako pinapatapos magsalita eh. " Sigaw ko sa kanya dahilan para matahimik si Kuya. "Pakinggan mo muna kasi sasabihin ko Kuya please? "

Hindi na siya nagsalita pa at inantay na lang akong magsalita. Tatahimik din pala tong mokong na to eh. Kailangan pa pala sigawan bago makinig.

Stuck With The TripletsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon