DARCY DEL JACINTO
Dalawang araw na lang bago yung birthday nung tatlo. Halos isang linggo na din ang nakalipas matapos akong pumunta sa bahay nung tatlo at hanggang ngayun ay wala pa rin akong nabibiling regalo para sa kanila.Hanggang ngayun din ay iniisip ko pa rin yung nga titig sa'kin ni Brax nung hinatid niya ako nung nakaraang linggo.
Hindi ko siya masyadong nakita nung mga nakaraang araw dahil na din siguro nagpapractice siya para sa try outs para sa basketball team ng school.
Nalaman ko ito sa Kuya ko na narinig kong binanggit niya noong kumakain kami ng almusal kasama si Mama nung nakaraang araw.
Hanggang ngayun hindi pa rin kami nagkakapatawaran ni Kuya. Ito na yata yung pinakamatagal na away sa'ming dalawa buong buhay namin. Di ko lubos akalain na kakayanin niyang hindi ako pansinin sa loob ng isang linggo. Magkakausap lang kami kapag parehas kaming kinakausap ni Mama at kailangan namin parehas na sumagot.
Mas lalo lang yata tatagal ang away namin hanggat kasama ko yung tatlo. Hindi ko naman kayang wag na lang sila pansinin ng ganun na lang kasi I'm technically stuck with the triplets.
Malaki yung naitulong ko sa kanilang tatlo. Kay Brix, Brax at lalo na kay Brex.Sana marealize din ni Kuya na mali din siya sa pagiging O.A. niya masyado sa pagiging protective. Kahit na hindi ko pa rin alam ano yung tinutukoy ni Kuya na ikakapahamak ko,alam ko naman na hindi ako ipapahamak nung tatlong yun.
Kasalukuyan din akong nagiisip ano ang magandang iregalo para sa tatlo. What do I give three guys with the same faces and has everything they could ever want? Meron pa ba silang mahihiling pa lalo na't nasa kanila na lahat ng posible nilang gustuhin? It's really hard to think of the best gift I could give them.
Patuloy lang ako sa pag-iisip hanggang sa maisipan kong tawagan si Guine para humingi ng tulong.
Kinuha ko yung phone ko na nakalapag sa trono ko at dinial ko ang number niya at agad naman itong sumagot.
"Hello Fren? " bungad niyang sagot.
"Uy Fren, help naman oh. " magsusumamo ko.
"Let me guess, you need help looking for the perfect gift para sa tatlo? " natatawang tanong nito.
Alam na talaga niya kung ano sasabihin ko. Sa loob pa lang ng halos dalawang linggo ay kilalang kilala na namin ang isa't-isa. Alam na namin ang mga paborito namin at mga hilig. Di katagalan, baka pati bilang ng mga ngipin namin alam na din namin.
"Yes, di pa rin kasi ako nakabili eh. " tugon ko na may cute na boses.
"Gusto mo punta tayo sa mall? " aya niya.
Why didn't I think of that? Sa mall ako makakahanap ng iba't ibang bagay na maaari kong ibigay sa tatlo. At saka hindi lang ako bibili ng pang-regalo, makakagala din ako.
Bakit nga ba hindi ko naisip 'yon? Buti na lang talaga nagyaya 'tong Guine. "Onga noh! Sige sige, go lang ako dyan! " masigla kong tugon.
"Sige Fren, I'll wait for you sa Jollibee doon sa food court. "
"Ok ok, sige. Goodbye Fren. See you there. "
"Bye, ingat ka! "
After that ibinalik ko sa pagkakalapag yung cellphone ko sa trono ko at tumayo para kunin ang twalya ko para maligo at makapaghanada nang pumunta sa mall.
Pagkapasok ko ng cr ay naisip ko na nakalimutan ko yung cellphone ko sa trono ko at hindi tuloy ako makakapag patugtog habang naliligo.
Sadyang hindi rin umaayon yung paa ko sa isip ko kasi tinatamad na'kong umakyat ulit para kunin yung cellphone ko. Kaya ngayun maliligo akong walang tugtog. Debale na lang, ako na lang kakanta sa sarili ko.
BINABASA MO ANG
Stuck With The Triplets
Teen FictionWhat will happen to Darcy's life once she meets not just one, not just two but three guys with the same face but with their own unique personalities? Find out in 'Stuck With The Triplets' Started: July 14,2020 Finished: