"Happy birthday!"
Dumaan ang mga maraming buwan at nandito na ako ulit sa Batangas para sa birthday ni Trent.
Trent blowed on his cake quickly. Hindi ko manlang alam kung nakapagwish na ba siya sa lagay na 'yun dahil ang bilis naman niyang masyado.
"Ang bilis mo naman mag-wish!" Drake said. "Anong wish mo?"
"Bakit ko sasabihin?" sabi ni Trent. "Edi hindi natupad?"
"Nga naman," sabi ni Drake.
Sa ilang buwan na dumaan, hindi ko pa rin nakakausap si Jeremiah. He would try to text me or call me pero hindi ko sinasagot. I couldn't find the strength to face it, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nararamdaman ko.
I'm scared. Most especially of Papa. Mukhang pinagkakatiwalaan niya talaga si Jeremiah, at pag nalaman niyang gusto namin ang isa't isa...
I haven't spoken to Brandon as well. Iniwasan ko siya. Mireia's right. Brandon still loves me and it's unfair if paasahin ko siya gayong alam ko na sa iba na ang feelings ko.
We bathe by the sea, splashing water at each other. Pinagmasdan ko si Trent at Tria. Ang saya nila. Kitang-kita mo sa mga mata nila kung gaano nila kamahal ang isa't isa. I wish I had too. I used to have that with Brandon, but one mistake ruined everything for the two of us. Hindi lang sa kanya, sa akin rin dahil masyado akong naging immature at nakipagbreak sa kanya.
Siguro... kung hindi lang kami nagkalabuan ni Brandon 'non, hindi mangyayari 'to. I wouldn't be this conflicted.
I would still be the same Nadine who fell in love with him. Nothing would change. Our plans will still be the same as before.
"Want some?"
Napatingin ako sa gilid nung makitang may hawak na barbecue si Tria na nakangiti sa akin.
"Thanks," I said, accepting it.
I bit on the barbecue she gave me. Sa isang taon na nakilala ko si Tria, nalaman kong napakabait niya pala. Hindi lang pala siya sobrang maganda. Sobrang bait rin.
Her angelic doll face looks too innocent that two of my cousins fell in love with her. Kaya naman din pala in-love na in-love 'tong si Trent sa kanya. Ang umiyak nga lang si Tria ay nanlalambot na 'yon, and he never softens around anyone.
"You know, I'm still debating if I should call you, Ate. I mean all of you are older than me kase, kaya I find it weird to call you by your first names..." nahihiya niyang sabi.
Hay, ang cute naman nito! Para talaga siyang baby, sa kilos at sa pagsalita! Kaya alagang-alaga ni Trent 'to, e.
I chuckled. "Ano ka ba, okay lang 'yun. You can call us by our first names. Para ka naman iba sa amin, at saka tingnan mo nga si Prince. Kahit kina Santi at Drake, walang kuya ang tawag. Diba magkasing edad naman kayo?"
She pouted. "Pero pinsan niyo naman siya... kaya ayos lang 'yun."
Ang cute! Grabe, I can't wait na maging pinsan na rin namin siya. Kailan ba 'to papakasalan ni Trent? Parang buong pamilya nga namin, sabik na pakasalan ni Trent si Tria e. They really like her a lot and it's rare for our family to like someone this much. Willing pa nga sila na protektahan siya.
"You'll be our cousin too, after a few years when Trent marries you, kaya ayos lang 'yan."
Maybe it has something to do with the fact that she's an Elizalde. Sobrang yaman nang mga Elizalde noon, pero sabi ni Tria hindi na daw sila mayaman ngayon. Her dad, apparently abandoned her, kaya sa bahay siya nina Trent nakatira.
BINABASA MO ANG
Lost In the Sea (Montereal Series #2)
RomanceMontereal Series # 2 Living her life in luxury is not as happy as it seems for Nadine Alicia Montereal. Everyone envied her. Everyone wanted to be her. Yet, she was never happy. For she had to live in the standards of her father who only cares about...