[31]

1.8K 35 2
                                    

Halos hindi na ako makahinga dahil doon sa ginawang pagyakap sa akin nung babae. I couldn't tell who she is. Sobrang labo pa rin sa akin nung nangyayari.

"Nadine, is this really you?" sabi niya na naluluha habang hawak ang mukha ko.

"Oo..." sagot ko. Napatingin naman ako kay Enzo.

"You're alive!" the girl said and hugged me again. Yung lalaki naman ay nakasandal lang sa pader at hindi rin makapaniwala. Hindi ko rin makilala kung sino siya. But just like this girl, he's just staring at me.

The girl looked at Enzo. It was a different look though. Parang magkahalong tuwa at hindi masaya ang naging reaksyon niya sa kanya.

"Kuya? Bakit ka nandito? B-bakit kayo magkasama?" tanong niya, at napatingin sa akin. "Nagtanan ba kayo? Sa'yo ba siya pumunta?"

Nagtanan? Napatingin ako kay Enzo. Bakit siya kilala nung babae? Is this girl my cousin? Her voice sounded so familiar. I felt like it was a part of my memories.

"I'm sorry, I just brought her here. I'm Enzo De Grande." pakilala niya. "I'm the one who found her about a year ago."

She seemed confused. Ngayon ko lang din narinig na De Grande pala ang apelyido ni Enzo.

"Huh? Pero ikaw si Kuya Jere, e. Sigurado ako!" sabi niya. Tumingin siya sa katabi. "Kuya, diba siya si Kuya Jere? He looks exactly like him!"

"Yes..." sambit nung katabi niya, tinitingnan mabuti ang si Enzo. "Kuya Jere, it's me, Drake! Hindi mo ba kami naalala?"

Palipat-palipat naman ako ng tingin sa kanila. Enzo suddenly had a cold expression again. Kilala rin siya ng mga pinsan ko bilang si Jeremiah. Is it really him, though?

"I'm sorry, but I think you're mistaken. My name is Vicenzo De Grande. I'm not the Kuya Jere that you are talking about." sagot niya.

Kumunot naman ang noo nung dalawa na naguguluhan. So... he is not Jeremiah? But how? He looks exactly like him? Could it be his twin?

May dalawa siyang kapatid. Isang babae at lalaki. Could it be that the other one is Jeremiah? Siya nga kaya 'yong nasa mga alaala ko? Kaya tinutulungan rin ako ni Enzo? Dahil mahal ako nung kapatid niya?

Pero bakit naman siya ang tutulong? Bakit hindi nalang si Jeremiah mismo diba? Kung magkapatid sila? Then that means, there really is something with that.

Tumingin siya sa akin. Hindi ko pa rin makilala kung sino ang dalawang nasa harap ko. They seemed familiar, yet I couldn't place their faces anywhere. All I know is, they are related to me. Kaya ganoon nalang ang tuwa nila sa akin nung nalaman na buhay pala ako.

"She has amnesia," he told them. "She probably doesn't remember you both."

Umawang ang labi nilang dalawa. I could tell they are siblings since they look so much alike. Sila siguro 'yung magkapatid na madalas mag-away.

"Amnesia?" gulat na sabi nung babae, sabay tingin sa akin. "Naddie has amnesia?"

Enzo explained to them what happened to me. Para kaming tanga na nasa labas lang. It's alright though, this is a VIP area. Wala naman din masyadong dumadaan at mga guards lang ang umiikot dito.

"So she doesn't remember us?" the girl asked.

Enzo nodded. May hawak rin siyang isang envelope kanina pa. Hindi ko naman naitanong sa kanya ang tungkol doon dahil may konting galit pa ako nung nagtalo kami. I was just ruled by my emotions last time.

"Here," he said, handing it to them. "Those are her medical records."

Tinanggap 'yon nung babae. I kept looking at Enzo as I bit my lip. Hindi ako mapakali. Gulong-gulo pa rin talaga ako sa nangyayari. Posible kayang siya nga si Jeremiah?

Lost In the Sea (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon