[27]

1.7K 31 0
                                    

"Rere, tama ba 'tong ginagawa ko?"

Tumingin siya sa ginawa ko at tumango.

"Oo, tama 'yan, Ate! Wow! Nag-iimprove ka na, ah!" sabi niya.

Ngumiti ako at pinagpatuloy ang ginagawa. Tinuturuan na ako ni Rere na gumawa ng mga bracelet at necklace na pang souvenir daw sa kabilang isla. Binebenta daw kase nila ito para magkaroon pa ng extra na kita. Willing naman ako tumulong at wala rin naman ako gagawin kaya nakikisali na ako.

Sinubukan kong libangin ang sarili ko sa bawat araw. Maliit lang ang isla 'to, pero mukhang marami naman magagawa. Kasakasama ko palagi si Rere tuwing nag-iikot ako dito. Siya lang naman din kase ang pwede kong kausapin.

Mula nung gabi na gumising ako'y hindi ko na muna pinilit na makaalala ako. Oo, gustong-gusto ko na makaalala pero sa tuwing gagawin ko 'yon, lagi nalang ako nahihimatay at sumasakit ang ulo.

Pero sa pagdaan ng bawat araw, may mga memoryang kusa na bumabalik sa akin. Hindi ko lang sinasabi kay Enzo dahil hindi naman ako obligadong gawin 'yon. Like he said, he just helped me. Hahayaan ko nalang siya gawin ang gusto niya at makikinig nalang ako sa bilin niya na hindi ligtas para sa akin ang bumalik sa pamilya ko.

Often times, he would leave this island to handle some businesses. Sometimes, he would take a helicopter or have his yacht ready. Tuwing nandito naman siya, walang tigil ang mga tawag sa phone niya. He really is a busy man and he doesn't working.

I'm starting to think that maybe he really is someone in my life. Kase bakit naman niya ako itatago dito para protektahan diba? Sino ba ako para sa kanya?

What I know is... I have a father, a mother and a brother. May mga pinsan din akong naalala ang mga pangalan pero hindi ko lang mamukhaan. All of their faces are still blurry to me... but I could remember their names.

I also remembered living in a gold mansion. I'm pretty sure, my family is really rich. Pero ano ba talaga ang nangyari at bakit kailangan ko magtago sa kanila? Me and my father never got along well based on what I remember. Lagi kami nagsisigawan o di kaya'y madalas na hindi nagkikita. But is that the reason why I have to hide from them first? Hindi naman nila magagawang patayin ako diba?

Almost a year has passed since I arrived here. Alot has changed, yet I'm still stuck in this island, trying to regain my lost self. Trying to regain my lost memories.

"Nandyan na si Sir Enzo!" nakangiting sabi ni Rere, habang nakatanaw sa malayo.

Lagi niya kase sinasabi sa akin na isa daw sa mga crush niya si Enzo. Gwapo naman talaga, kaya hindi na rin nakakapagtaka na maraming nagkakagusto dito. Kwento kase ni Rere na pag minsan daw kasama nila siya na mamili ay napapalingon daw ang mga babae. Kahit pa may mga asawa na.

Sabi niya rin na wala daw itong asawa o mga anak pa. His family is based on another country, and that the only one he has is his sister and brother na nakatira naman daw sa ibang bansa. Bunso rin daw siya sa magkakapatid.

Pagbaba niya ng bangka, nanatili lang naman akong gumagawa ng mga bracelet. Si Rere naman nakatingin pa rin sa kanya at nakangiti. Pag titingnan ko si Enzo, baka mainis lang ako at mag-away kami kaya tinutuon ko nalang ang atensyon ko dito.

He's incredibly handsome, yes. But he's an arrogant jerk. Masyado siyang malamig. Masyado siyang seryoso. Guys like him will never be my type. Maiinis nalang talaga ako, araw-araw.

"Good afternoon, Sir Enzo!" bati ni Rere.

I stayed in my seat, not bothered by his presence. Wala akong pakialam sa kanya.

"Good afternoon," he greeted her. "Anong ginagawa niyo?"

"Oh! Mga bracelets at necklaces, sir! Pambenta po sa mga turista." she told him.

Lost In the Sea (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon