[8]

1.7K 47 4
                                    

Kumuha ako agad nang scarf para takpan 'yun. I don't know how I'll remove that, o kung kailan 'yun mawawala pero nakakahiya lang at nakita pa ni Jere 'yun!

"Okay, sorry about that." sabi ko at umupo sa tabi niya.

He scoffed and shooked his head. Hindi naman na siya nagsalita na tungkol doon. Thankfully, but I have the feeling he's judging me secretly. Ganoon naman siya lagi eh, judgmental.

Tumikhim ako at hinawakan ang scarf na nakatakip doon. Nakakahiya nga talaga at nakita pa niya 'yun.

"I'll kwento na nga!" sabi ko. "Makinig ka kase!"

I told him everything that happened earlier. I figured, he could give me a good advice about it. He's older and he's a guy. I hate that I can't read whatever it is on Brandon's mind. I'm kinda scared as well... he has the capability to hurt me like before.

"Hindi ko talaga maintindihan, bakit kailangan mo ikwento sa akin 'to." ayun lang ang nasabi niya sa hinaba-haba nang kwento ko.

I rolled my eyes at him before answering. "Duh! Kase nga, bibigyan mo akong advice! I need to know your perspective as a guy. At saka, hindi ba para na rin kitang kuya? kaya responsibility mo ang makinig sa akin,"

His jaw clenched, by the mere mention of the word, Kuya. Kumunot naman ang noo ko. Bakit? Ayaw niya ba?

"Wag mo nga akong tawaging Kuya. Hindi mo ako, kapatid."

I pouted. Gusto ko lang naman nang parang brother figure, dahil wala ako naging kapatid. Masama bang hingin 'yun sa kanya?

"Hindi nga. Hindi naman kita tinatawag na kuya, gaya nina Katie, ah? I just said you're like my kuya. Kase, totoo naman. I tell you stuff and as an older brother, you give me advice." I told him. "You're like my brother from
another parent."

Mas lalo naman siya nairita sa pagbanggit ko ng kuya. Kainis. Bakit ba ayaw niyang tawagin ko siyang ganon?

"Hindi mo nga ako kapatid," sambit niya. "Kaya wag mo akong tawaging kuya o tratuhin na parang kapatid mo."

I raised my hands as if in surrender. Tsk. Yun lang naman ang sinasabi ko tapos pinapalaki niya pa. Galit siya agad?

"Oo na, pero ano nga gagawin ko? Should I get back with him?" I asked.

He stared at me before sighing.Kita mo sa mga mata niya ang pagod, he must've a long day. Dapat hindi ko nalang siya inabala pa. I suddenly felt guilty about it.

"Mahal mo ba?" tanong niya.

I bit my lip, thinking about it. Oo. Mahal ko naman si Brandon. Hindi naman ako masasaktan sa kanya kung hindi,diba? At saka, ang tagal na rin namin. I never had any feelings for any other guy but him.

But for some reason... hindi ko masagot. Do I really love him or iniisip ko lang na mahal ko siya because matagal na kami?

"Uh, I guess?"

Mas lalo naman kumunot ang noo niya sa naging sagot ko. Why? Is there something wrong with the way I answered? I'm just being honest!

"I guess?" he said. "Ano 'yun, hindi ka sigurado?"

"I am!" agap ko. "Sure, ako sa feelings ko. It's just that..."

His eyes narrowed at me. I suddenly felt my chest pounding, my eyes remained at his. I couldn't continue what I said. I didn't know what should I say. Am I really sure of what I answered?

Lost In the Sea (Montereal Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon