Simula
"Pokpok talaga!"
"Late. Baka kasi nakipag plok plok na naman kung saan."
Lumingon ako ng marinig 'yun. Sinamaan ko ng tingin ang mga babae sa likuran ko na nagbubulungan ng malakas. Halatang pinaparinig nila sa akin 'yun. Inayos ko ang pagkakabotones ng aking uniforme pagkatapos ay pinalipad ang gitnang daliri ko sa ere. Porket inaayos ko ang uniforme ko ay nakipag sex na ako kaagad ganon? Mga bwisit!
"Fuck you. Wala kayong pakialam, mga puta." Pinandilatan ko sila ng mata.
Tumikhim sila doon at hindi na umimik at inirapan nalang ako. Mga duwang! Ang galing-galing magparinig pero mga duwang naman at walang binatbat! Tse! Nilabas ko ang cellphone ko pagkatapos kaagad 'yung tinipa.
"King-inang cellphone 'to." Badtrip na sabi ko ng malaglag ang battery sa lapag. Kaagad ko 'yung dinampot pagkatapos ay muling inilagay sa likuran. Lumang-luma na Samsung pa 'tong cellphone ko at lumulubo na ang battery. Pinag tatyagaan ko nalang dahil hindi ako mayaman at wala naman akong pambili ng bagong phone.
Ako:
I'm sorry Clau. Hala! Naubos ung budget ko! Deadline na pala ng apartment ngayon? Huhu. Paki salo muna ako. In return, ako nalang ang maglalaba ng mga damit nyo ni Ash. Gipit lang, hehe.
Clau:
No prob sis. I got you.
Ash:
Inubos mo na naman kakapadala yang pera mo. Hoy, Mina! Magtira ka naman para sa sarili mo. Padala ka ng padala sa nanay mong sugarol tapos ikaw kayod ng kayod dito.
Clau:
Ash is right.
Ako:
Kaya pa ng puke ko, bakla. Isa pa, lam mo naman, may hika si Jason. Wala ng gamot.
Ash:
Last time your mom said na si Jade ang may hika kaya kailangan ng pera. Ngayon si Jason na naman. Sa susunod sino na naman ang may hika? 'yung kapitbahay nyo?
Umirap ako sa ere dahil trigger na naman si Ash sa akin. Akmang magrereply ako ng mamatay na ang aking kawawang cellphone. Sa inis ko ay muntikan ko na yong ibato. Mabuti nalang ay naalala kong wala nga pala akong pamalit kaya naman napigilan ko pa ang sarili ko.
"Amina Avah G. Costales." Nagangat ako ng tingin sa taong tumawag sa palagi ko. Nakita ko kaagad ang payat at nerd kong kaklase na si Ezra na nasa harapan ko.
"Oh.. Bakit?" tanung ko.
Inayos nya ang kanyang salamin sa mata pagkatapos ay nanginginig na inabot sa akin ang aking test booklet. Nalaglag ang tingin ko sa kamay nyang nangangatog sa harapan ko.
"H-highest ka sa exam." Aniya. Kinuha ko yon sa kanya.
"Salamat." Sambit ko. Hindi sya kaagad umalis sa harapan ko kaya kunot-noo ko syang tinignan. Nakita ko kung paano mamalagi ang tingin nya sa maputi kong hita. Ngumisi ako pagkatapos ay tinapik ang pwet nya na mukhang kinagulat nya.