Kabanata 5
Casa Esperanza, Central
Hindi na ako nagpaka choosy pa. Kinain kong lahat ang mga pagkain na hinatid para sa akin ng butler ko na 'yon. Ang sosyal lang dahil may sarili akong butler. Isa pa, ngayon lang ako makakakain ng ganitong klaseng pangmayaman na pagkain kaya tama lang na lubos-lubusin ko na.
Ang sabi sa akin noong lalaki kagabi, puwede akong mag stay dito kahit na ganoon katagal kong gusto. Medyo tempting ang offer nya sa akin pero dahil medyo mabait ako ay ayaw ko naman syang abusuhin. Isa pa, sobra-sobra na nga ito. Kahit na mayaman sya ay ayaw ko namang maubos ang pera nya dahil OA sa pagkamahal ang hotel na ito!
Pinahid ko ang lumagpas kong pulang lipstick gamit ang aking daliri pagkatapos ay ay pinunas 'yon sa magandang bedsheet para naman makapagiwan ako ng bakas dito. Like, I was here. Duh. Nilaro ko sa kamay ko ang gold credit card na ipinahiram nya sa akin. Sa totoo lang, ngayon lang ako nagkaroon ng customer na credit card ang binayad sa akin. Ni, hindi ko alam kong hanggang ilan ang credit limit ng card na ito. Hindi naman ako magwawaldas ng malaki. Patas naman kasi ako naningil. Hindi ko sya aabusuhin. Hindi ako ganoon.
Nag check-out na rin ako sa hotel na 'yon. Sumakay ako ng Jeep pagkatapos ay bumaba sa pinakamalapit na Mall. Pumunta ako sa department store para mamili ng mga gamit para sa mga kapatid ko. Tatlong buwan na akong hindi nakakauwi sa Central at plano kong umuwi ngayong darating na byernes para bisitahin sila. Gagamitin ko ang credit card na pinahiram sa akin ng lalaking 'yon. Wala naman akong bibilhin para sa sarili ko. Para naman ito sa mga kapatid ko.
Binilhan ko sila ng mga damit. Doon pa ako nagpunta sa sale section dahil ayaw ko ng masyadong mahal. Binilhan ko din sila ng mga bagong bag at sapatos dahil lumang-luma na ang ginagamit nila. Nagbili nadin ako ng mga puwede nilang gamitin sa school, kaunteng grocery at hotdog dahil paborito 'yon ni Jason. Pagkatapos ay pumunta naman ako sa Mercury para bumili ng isang buwang supply ng gamot ni Jason sa hika.
Punong-puno ang kamay ko ng mga pinamili ko at napaisip. Sana ay hindi magalit sa akin ang lalaking yon. Sinabi nya naman kasi na puwede kong bumili ng kahit na anong gusto ko, hindi ba?
Pumasok ako sa isang fastfood at doon nalang kumain. Ngiting-ngiti ako habang pinagmamasdan ang mga gamit na binili ko para sa mga kapatid ko. Excited na akong makita sila dahil puro lang kami tawagan. Minsan, hindi pa ako nakakatawag dahil nanghihiram lang din sila ng cellphone sa kapit-bahay. Sa susunod, pagiipunan ko naman ang mabilhan sila ng sarili nilang cellphone para kung kaylan ko sila gustuhing makausap ay puwede.
Umuwi nadin ako pagkatapos noon. Pagpasok ko sa apartment ay kaagad kong naabutan si Saint na nakatambay na naman sa amin at naglalaro ng video game sa kanyang cellphone. Nang magangat sya ng tingin sa akin ay nakita ko ang pamimilog ng mga mata nya habang pinapasadahan ng tingin ang mga dala ko.
"Oy. Dami mong dala, ah. May pasalubong ka?" tanong nya.
Umirap ako. "Wala. Para to sa mga kapatid ko, uuwi ako sa byernes." Sabi ko
"Bakit wala? Sana bumili ka manlang ng pizza." Sumimangot sya.
"Hoy. Saint. Bakit ako bibili ng pizza? Eh, napkin nga hinihingi ko pa kay Clau. Tas bibili pa ko ng pizza? Wala akong budget doon. Kung gusto mo ng pizza, bumili ka sa sarili mo." Umirap ako.