Kabanata 7

143 9 0
                                    


Kabanata 7

Thirty Thousand


Halos lumipad na ako pababa nang jeep dahil sa pagmamadali. Tanghali na ako nagising dahil sobrang puyat ang inabot ko sa matandang customer ko kagabi. Napakalayo nang motel na pinagdalhan nya sa akin at hindi manlang ako nagawang ihatid pauwi! Bwisit na matandang hukluban!


Kaagad kong ti-nap ang ID ko sa scanner pagkatapos ay nagmamadaling naglakad sa hallway para sa una kong klase. Late na ako nang sampung minuto at malamang ay namarkahan na akong absent ng aking professor pero ayos lang 'yon sa akin. Papasok padin ako at makikinig sa klase. Sayang ang lecture kapag na-miss ko ito.


Akmang kakabigin ko na ang door handle ng aming classroom nang maramdaman ko ang malakas na tunog at vibration nang aking cellphone. Wala na sana akong planong sagutin pa 'yon pero tila may nagsasabi sa akin na gawin ko ito. Umirap ako sa ere at hinalughog ang cellphone ko sa malalim kong bag. Nang makita kong numero lang ang nasa screen ay padarag ko itong sinagot.



"Hello?!" Tumaas ang aking boses.

"Mina!" Narinig ko kaagad ang natatarandang boses ni Tita sa kabilang linya. Napabitaw ako kaagad sa door handle ng aming classroom at tumalikod.

"Tita, bakit po? Kaninong numero po ito?" tanong ko.

"Mina, kasi..." Nang humagulgol sya nang iyak ay kaagad na umusal ang matinding kaba sa dibdib ko. Naisip ko kaagad na baka may kung anong nasamang nangyari. Humambalos nang todo ang puso ko sa aking dibdib at napaupo sa bleachers kalapit sa aming classroom.

"B-bakit po kayo umiiyak? Ano po bang nangyari, tita?" tanong ko.

"Ang mama mo kasi..." Panay ang hikbi nya.

Nanlaki ang mata ko. "Ano pong nangyari kay mama?"

"Andito ako ngayon sa presinto. Nakulong kasi sya, eh."

"Po?" Hindi ko mapigilan ang lakas ng aking boses. "Bakit? Anong- ano pong nangyari? Bakit sya nakulong?" tanong ko.

"Kagabi kasi, may mga nakitang shabu daw sa bag nya. Ang sabi naman ng mama mo. Hindi daw sa kanya 'yon. Baka daw ang Japanese na kinakasama nya ngayon ang naglagay noon sa bag nya. Hindi na kasi makita 'yong hayop na hapon na 'yon! Nagtago na! Ang mama mo ang hinuli ng mga pulis at nakakulong sya dito ngayon."

Kaagad akong sumabunot sa buhok ko. "Ayos lang po ba si Mama? Kumusta ho sya?"

"Ayos naman, Mina. Negative sya sa drug test. Hindi naman kasi talaga gagamit ang mama mo! Kilala ko 'to! Oo at pasaway sya at minsan hindi nagiisip pero alam kong hindi nya ito papasukin!" Bulalas nya.

"Anong... ano pong gagawin natin?" Nangatog ang ibabang labi ko.

"Puwede naman mag piyansa. Kaya nga lang, malaking halaga."

"Magkano po ba?"

"Thirty thousand, Mina."

"P-Po? Thirty thousand?"

"Oo eh. Kung hindi, dito lang ang mama mo sa ospital. Iyak na nang iyak ang mga kapatid mo dahil gusto na nilang makita ang mama mo pero hindi sila puwede dito. Mina, gumawa ka nang paraan!" Humagulgol si Tita.

"Sige po tita, gagawan ko po kaagad nang paraan. Susubukan kong mangutang. Paki sabi kay mama na huwag po syang magalala. Makakalaya ho sya. Wag na po kayong umiyak." Sabi ko.

I Have You (Her Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon