Kabanata 9
John Fourth Salvatore
Masama kong tinignan si Theo habang papalayo sya sa table na pinagiwanan nya sa akin. Bwisit na lalaking 'yon! Kung sa tingin nya at pabigat lang ako sa kanya eh bakit nya pa ako sinama dito? Sana pala ay nanatili nalang ako sa bahay kung ganoon.
Panay ang lingon nya sa akin. Sinisilayan nya ako habang kinakausap sya nang mga sa tingin ko ay bigating tao doon. Tinaasan ko lang sya nang kilay at inirapan. Tsss. Sinong matinong lalaki ang iiwanan ang date nya magisa dito sa table at wala manlang kausap? Sana aware sya na wala akong sinumang kakilala sa party na ito maliban sa kanya. Tapos iiwanan nya rin pala ako dito?
True enough, maya-maya pa ay napakaraming pagkain ang hinakot nang waiter papunta sa table ko. Masama ang loob ko kaya kumain nalang talaga ako. Lumamon ako nang lumamon at pinagsawalang bahala ko na na fitted 'tong dress ko at mamaya siguradong babakat ang tyan ko kapag busog na ako pero wala akong pakialam. Hindi naman ako nakakakain ng ganito palagi ano. Isa pa, napakasarap nang pagkain. As in sobrang sarap and I'm not even exaggerating. Sa buhay ko ay ngayon lang ata ako nakakain ng ganito kasasarap na pagkain.
"Wine, Madame?" Napaangat ako nang tingin ang marinig ang boses nang waiter. Inilahad nya sa akin ang isang baso na may lamang tila mamahaling wine. Tinanggap ko naman 'yon.
"Thanks." Sabi ko. Ngumiti sya at umalis na. Inilapit ko ang baso sa aking labi at diretsyong ininom ang laman noon. Kaaga dang paglukot nang aking mukha. Whoa! Kaagad kong inabot ang bago nang tubig nang di ko nakayanan ang pagguhit nang pait noon sa aking lalamunan.
"De puta." Bulong ko habang pinapahid nang tissue ang aking dila.
Nang muli akong alukin nang waiter ay tumanggi na ako. Ilang waiter pa ang lumapit sa akin para alukin ako nang kung ano-anong alak pero paulit-ulit din akong tumatanggi sa kanila. Hindi ko trip uminom ngayong gabi.
Nagpatuloy nalang ako sa pagkain. Nang mabusog ako ay tinanaw ko si Theo sa kabilang table. Nakita kong masaya syang nakikipagtawanan sa mga tao doon na mukhang kasing yaman nya. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay nagpangulambaba. Looking at him like this, he really looks like a young and rich business man. He looks so professional and elegant. Pati kong paano sya kumilos at kung paano makipagusap sa ibang tao. He maybe sarcastic sometimes but he's also very respective and he talks smartly, too. He is so firm and proper. Napapaisip tuloy ako kong bakit sa isang tulad ko sya nakipagsundo. Marami namang babae diyan at tiyak na kapag inalok nya ang mga ito na maging pretend girlfriend nya ay talagang magkakandarapa pa ang mga 'yon. Pero bakit ako?
Masyado nang malalim ang iniisip ko kaya nang balingan ko ng tingin ang aking table ay gulat na gulat ako sa lahat nang nabakante kong pinggan. Tinanaw ko ang paligid at literal na ako lang ang mayroong napakaraming pinggan sa table...
"Ay hala! Ako ba kumain nang lahat ng 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ko at humawak pa sa aking dibdib. Para akong na offend sa takaw ko.
Tumayo ako nang dahil sa kahihiyan. Lilipat sana ako nang table pero naisip ko nalang pumunta muna sa Ladies Room para mag retouch. Nilingon ko si Theo para sana magpaalam sa kanya pero mukhang busy sya doon kaya ayaw ko na syang istorbohin pa.