Kabanata 3

152 7 1
                                    


Kabanata 3

Hotel


Oh... I'm surprised that we go to the same school, though. So ibig sabihin, dito din nag-aaral ang boyfriend nya?


"Excuse me lang. Unang-una sa lahat, wala kaming ginawang milagro sa CR kagabi! Pangalawa, paki ko kong girlfriend ka nya? And so ano naman? Hoy bata! Masama yang ginagawa mo na bigla-bigla ka nalang susugod tapos mali-mali naman yang mga pinuputak mo diyan!" Sabi ko at binalingan ang kanyang ID. First year palang ito.

"I saw you! I saw both of you in there! You were sweating and... we heard you and your disgusting... conversation sa loob! Ano 'yong sundot-sundot, ha?" She said, niyayakap pa nya ang kanyang sarili na para bang diring-diri.


Umismid ako. Napaka-arte.


"Jusko mahabagin." Sumapo ako sa noo ko.

"What?"

Umirap ako at inilagay ang magkabila kong kamay sa aking beywang. "Look, I know I have a bad reputation in this school pero sinasabi ko na sayo, hindi ako pumapatol sa mayroong karelasyon. And it's the truth, wala kaming ginawa sa Cr kagabi." Ngumuso ako at pinaglaruan ang dulo nang aking buhok. "I did seduce him though. Niyaya ko sya but your boyfriend is loyal to you, I guess? Hindi sya pumayag okay? So pwede ba? Chupi na!" Sabi ko

Umirap sya sa akin. "What-ever! Boo! You whore." Aniya at tinalikuran nya ako.


Aba't...


"Anong sabi mo?!" Medyo tumaas na ang boses ko. Nakita ko kong paano lumingon sa amin ang mga estudyanteng dumadaan nang dahil doon.

Binalingan nya ako ng tingin pagkatapos ay tinignan nang masama. "Ang sabi ko, Pok-pok! Malandi! Maharot! Parausan ng bayan! Laspag!" She shouted.


Talagang naginit ang tenga ko nang dahil doon. Not that she's wrong though, medyo tama naman 'yon. Medyo lang. Pero ang kinagagalit ko talaga ay ang mabaho nyang ugali. Bwisit lang? Kinakausap ko nang maayos tas nag a-attitude?


"Ha!" Bumuga ako ng hangin pagkatapos ay bumaling sa gilid ko. "Tang-ina neto, trigger ako." Bulong ko.

"What? Affected ka? Totoo namang pok-pok ka, ah." Aniya, tila naghahamon.


Kinagat ko ang ibabang labi ko bago kinuha ang suot kong shoulder bag at maingat na inilapag doon sa gilid. Balak ko sanang ibalibag 'yon for dramatic effect pero natakot ako na baka masira pa. Nagiisang bag ko lang 'yon.


"Pok-pok? Pok-pok pala ha? Oh sige..." Sabi ko.


Mabilis akong naglakad papunta sa kanya at hinila ang kanyang buhok. Narinig ko ang pagtili nya ng dahil doon. Wala akong pakialam. Hinila ko pa lalo ang buhok nya at sinusubukan nya namang gumanti sa akin pero hindi nya magawa. Hoy girl! Ako pa ba? Walang makakatalo sa akin sa sabunutan kaya wag ako!


"Ouch! Shit! Let me go!" Matinis ang tili nya at masakit sa tenga. Hindi ko sya binitawan at mas sinabunutan pa sya. Tamang-tama at mabaha ang itim at tuwid na tuwid nyang buhok. Mamaya kalbo kana, tamo!

I Have You (Her Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon