Kabanata 8

146 11 0
                                    


Kabanata 8

Attention


"Tita, natanggap nyo na ho ba 'yong pera? Kumusta po si Mama?" Halos bumulong na ako habang tinatawagan si Tita dito sa kwarto. Nasa salas lang sina Ash at Clau. Ayaw kong marinig nila ako. Hindi ko na rin kasi binanggit pa sa kanila ang naging problema sa bahay. Sigurado kasi akong kukulitin lang nila ako tungkol doon at hindi din nila ako titigilan.

"Ay, Oo! Natanggap ko na at napyensahan ko na ang mama mo. Naroon sya ngayon sa kwarto nya at nagpapahinga. Gusto mo bang makausap?" tanong nya.

"Ayos lang po ba? Kahit sandali lang po. Nagmamadali din po ako."

"Oo naman. Teka at aakyat ako sandali." Aniya at narinig ko ang pag-gulo sa kabilang linya. Mukhang tumakbo si tita paakyat ng hagdan.

"Oh, ito na ang mama mo..." Aniya sa akin.

"Hello? Anak? Mina?" Si mama.

"Ma...Kumusta na po kayo?" Kinagat ko ang kuko ko.

"Anak, sorry... Patawarin mo ang mama..." Nadinig ko ang mga hikbi nya sa kabilang linya. Ngumuso ako at kaagad na nagkagat labi nang maramdaman ko ang pagbabadya ng luha sa mga mata ko.

"Ma naman, sinabi ko na po kasi sa inyo na tigilan nyo na po ang pagsama sama sa kung sino-sinong lalaki. Baka po sa susunod ay kung ano na talagang mangyari sa inyong masama nyan..." Sabi ko at kaagad na pinunasan ang takas na luha sa mga mata ko.

"Akala ko kasi seryoso sya sa akin, eh." Napapaos na sabi nya.

Bumuntong-hininga ako. "Ilang ulit nyo na 'hong sinasabi yan sa lahat ng mga lalaking inuuwi nyo diyan sa bahay. Kesyo akala nyo seryoso sila sa inyo pero hindi naman. Ma naman, hindi pa po ba kayo nadadala?"

"Sorry na nga anak... Malungkot lang ang mama."

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

"Ingatan nyo po ang sarili nyo. Kailangan po kayo ng mga kapatid ko."

"Oo. At hinding-hindi na ako uulit. Walang hiyang hapon na 'yon! Nga pala, saan mo pala nakuha ung perang pinampyansa mo sa akin? Malaking pera 'yon, ah." Tanong nya. Lumunok ako kaagad.

"Hmm... Inutang ko po kay Clau." I lied.

"Ganoon ba? Pakisabi kay Clau salamat ha. Nakakahiya na sa kanya. Hayaan mo, tutulong ako sa pagbayad sa kanya."

Umiling-iling naman ako. "Wag na po, Ma. Wag nyo na pong alalahanin 'yon. Ako na po ang bahala. Ang kinikita ninyo ay ilaan nyo nalang para kila Jade at Jason."

"Paano ka? Ang pagaaral mo? May panggastos ka pa ba sa sarili mo?"

"Meron po. May trabaho po ako. Tama lang po sa akin ang kinikita ko. Kaya huwag nyo po ako alalahin."

Sandali syang nanahimik sa kabilang linya. "Mina... Magsabi ka nga ng totoo, ano ba talaga ang trabaho mo diyan sa Manila? Hindi ka naman gumagawa ng kalokohan hindi ba?"

"Waitress po ako, Ma. Wala po akong ginagawang masama. Oh, sige na po, may gagawin pa po ako. Magiingat po kayo diyan..." Sabi ko. Waitress naman talaga...

"Oh sige... Magiingat ka rin at tumawag ka nang mas madalas." Aniya.


Nang ibinaba ko ang tawag ay kaagad kong pinakawalan ang buntong-hininga na kanina ko pa pala pinipigilan. Pumikit ako at sinaldal ang ulo ko sa pintuan nitong kwarto. Sandali nalang at gra-graduate na naman ako. Sa maiksing panahon ko nalang titiisin ang trabaho na ito. Ang mahalaga ngayon ay nakakaraos ako at nasusuportahan ko ang pagaaral ko. Hindi naman habang buhay na ganito ako, sa oras na makagraduate ako ay kaagad akong maghahanap ng trabaho, magiipon, at kukunin ang mga kapatid ko sa probinsya. Ayun ang plano.

I Have You (Her Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon